top of page
Search
BULGAR

Vaxx card, dapat iprisinta sa NCR at Bulacan – PNP

ni Lolet Abania | January 6, 2022



Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes na ang mga biyahero na magtutungo sa National Capital Region (NCR) at sa Bulacan ay kinakailangang magprisinta ng kanilang COVID-19 vaccination cards sa mga checkpoints bago makapasok sa mga quarantine borders.


Sa isang statement, ang mga local government units (LGUs) ng Bulacan at mga lungsod ng Metro Manila ayon sa PNP, “have instructed police personnel to check for proof of vaccination of inbound travelers.”


“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back,” giit ni PNP chief General Dionardo Carlos.


Aminado naman ang PNP na nagkaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Bulacan sa unang araw ng pagpapatupad nito, subalit tiwala ang kapulisan na layon lamang ng ganitong paghihigpit na maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.


“The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled. Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” sabi ni Carlos.


Ayon pa sa PNP, magtatalaga sila ng maraming mga pulis sa mga checkpoints na may malaking bulto ng mga sasakyan kung kinakailangan.


Matatandaang nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na huwag payagan ang mga hindi bakunadong indibidwal na lumabas at dapat na manatili sa kanilang tirahan, maliban kung sila ay bibili ng mga essential goods at services.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page