ni Jasmin Joy Evangelista | November 1, 2021
May ilang pagbabago sa guidelines hinggil sa travel requirements para sa mga gustong pumunta sa Bohol.
Pinirmahan ni Bohol Governor Arthur Yap ang isang executive order na nagsasabing hindi na hihingin ang RT-PCR test result at hindi na rin muna requirement ang vaccine certification mula sa vaxcertph para makapasok sa probinsiya.
“Ang problema sa vaxcert, ang tagal ng uploading kaya ang daming naantala. So today, I signed a new executive order na temporary suspended ang vaxcert. Ang hinihingi na lang namin ay vaccination card from LGU, or any DOH o BOQ certified na vaccine certification. Tatanggapin namin iyon," ani Yap.
Ayon pa kay Yap, bumuti ang turismo sa Bohol magmula nang tanggalin ang swab test requirement dalawang linggo na ang nakararaan.
Comments