ni Lolet Abania | February 3, 2022

Inanunsiyo ng pamahalaang Lungsod ng Makati ngayong Huwebes, ang pansamantalang pagsasara ng kanilang vaccination site para magbigay-daan sa gagawing Bar examinations ngayong taon.
Sa isang advisory ng lokal na gobyerno, nakasaad na ang vaccination site sa Fort Bonifacio Elementary School ay temporarily closed sa Pebrero 4.
“Para magbigay daan sa gaganapin na Bar Examination sa University of Makati sa February 4, 2022, pansamantala munang isasara ang #BakunaMakati sa Fort Bonifacio Elementary School,” pahayag ng Makati City government.
Gayunman, ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang operasyon ng vaccination site sa Pebrero 5.
Una nang inanunsiyo ng Makati City government na ang Makati Public Safety Department ay magpapatupad ng road closure sa kahabaan ng J.P. Rizal Street extension, mula Buting hanggang Lawton Avenue sa Pebrero 4 at 6 mula 4:00AM hanggang 8:00AM kaugnay ng Bar examinations ngayong taon.
Paalala rin ng Makati City government na ang mga examinees ay dapat na magprisinta ng exam permit para sa entrance ng kanilang service vehicle.
Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen ang examinations ay gaganapin mula 1:50PM hanggang 5:50PM sa Biyernes, Pebrero 4.
Tuloy naman ang naitakda nang oras o iskedyul ng morning examinations sa Pebrero 4 at sa ikalawang araw ng examinations.
Comments