ni Lolet Abania | March 31, 2022
Exempted ang COVID-19 immunization program ng Department of Health (DOH) kaugnay ng election spending ban na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec).
“Doon sa ating mga application for exemptions, especially sa social services, Department of Health, we granted the petition of the DOH’s specialized units for the immunization program against COVID-19,”
pahayag ni Comelec Commissioner George Garcia sa press conference ngayong Huwebes.
Gayundin, pinagbigyan ng poll body ang petisyon na inihain ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Garcia nasa tinatayang 20 pang mga petisyon ang kanilang tatalakayin sa susunod na linggo.
Sa ilalim ng Comelec’s Resolution No. 10747, isang certificate ng exemption ang kailangan para maisagawa ang mga aktibidad at mga programa patungkol sa mga social welfare projects at services habang ang public spending ban ay naging epektibo at ipinatutupad mula pa noong Marso 25 hanggang Mayo 8, 2022.
Noong nakaraang linggo, na-grant naman ang petisyon para sa exemption ng Office of the Vice President (OVP) sa panahon ng kampanyahan.
Ang mga COVID-19 initiatives na isinasagawa ng OVP ay pansamantalang itinigil noong nakaraang buwan habang ang campaign period para sa 2022 elections, kung saan ang mga tatakbong kandidato sa national positions, ay opisyal nang nagsimula noong Pebrero 8.
Comments