top of page
Search
BULGAR

Vaping, mas ‘low-risk’ sa smoking

ni Chit Luna @Brand Zone | February 11, 2023




Napatunayan ng ebidensyang nakalap sa loob ng 7 taong pananaliksik na ang vaping ay lubhang mas maliit ang dulot na panganib kung ikukumpara sa paninigarilyo, saad ng isang senior lecturer ng Tobacco Harm Reduction (THR).


“In terms of health risks, we said that vaping imposes a small fraction of the risk of smoking in the short to medium term. Consistently, vaping exposes people to much lower level, significantly lower levels of risk of smoking,” ani Dr. Debbie Robson ng Queens College London sa nakaraang E-Cigarette Summit na ginanap noong Disyembre 9 ng nakaraang taon.


Ayon kay Dr. Robson na isa ring mental health nurse, isa sa mga may-akda ng annual evidence reviews ng e-cigarettes at Trustee ng Action on Smoking and Health (ASH), ang vaping, habang hindi masasabing walang kaakibat na peligro, ay di hamak na mas maliit ang dulot na panganib hindi tulad ng pagsindi ng sigarilyo.


Ito ay base sa bagong labas na independent review na kinomisyon ng Office for Health & Disparities na dating Public Health England – ang pinakamataas na awtoridad-pangkalusugan sa UK.


Ang team ni Dr. Robson ay nag-obserba ng “biomarkers of exposure” upang masukat kung gaano karaming “toxicants” ang nasa katawan. Natuklasan ng mga dalubhasa na ang “biomarkers” ay mas mababa sa vapers kaysa sa mga naninigarilyo.


Ngunit, mas nakakabuti pa ring hindi mag-vape o manigarilyo, ani Dr. Robson.


Pangatlong review na ito patungkol sa panganib na dulot ng parehong smoking at vaping mula sa 2015 at 2018 reports. Nirepaso ng mga mananaliksik ang 413 studies upang mapatibay ang mga konklusyon ng pag-aaral.


Ayon kay Dr. Robson, ito’y naglalayong ipaalam sa gobyerno at mambabatas ang ukol sa

paglaganap at mga katangian ng vaping sa mga adults at young adults sa UK. Kasama sa review ang health risks ng vaping kumpara sa smoking at non-smoking o ang hindi paggamit ng sigarilyo, at pati na rin ang tingin ng publiko tungkol sa vaping at smoking.


Nirekomenda ng report na mapabuti ang istriktong pagpapatupad ng age restrictions

upang hindi ma-access ng bata ang produktong pang-vape man o mga sigarilyo. Dapat ay ma-monitor at mapag-aralan din ang pagtaas ng lebel ng paggamit ng disposables.


Ngunit, punto ni Dr. Robson, dapat tandaan na ang epekto ng vaping ay depende sa iba’t ibang factors.


“It depends on who is vaping, the person’evious and current smoking history, medical history and all the comorbidity conditions they’ve got and the reasons they’re vaping. You also have to take into account where people live and all the background exposure,” sabi niya.


Dagdag pa ni Dr. Robson, “How any information is communicated and more importantly how that’s perceived by the user is really important, for the millions of people who smoke, who will die in or living with chronic health conditions while we debate this.”


Ang ika-sampung E-Cigarette Summit ay ginanap sa Royal College of Physicians (RCP) sa

London, na siya ring nagtalaga ng 60 taon mula nang unang nailathala ng RCP ang report na “Smoking and Health” na naging pundasyon ng tobacco control.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page