ni Chit Luna @Brand Zone | August 27, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_b0044fb5015444a68fc8fd6c1f94da6b~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_b0044fb5015444a68fc8fd6c1f94da6b~mv2.jpg)
Ang pagpasa ng Vape Law ay nagbukas ng pinto para sa mga makabagong alternatibo na mas mabuti para sa kalusugan ng mga naninigarilyo sa Pilipinas, ayon sa presidente ng PMFTC Inc.
Sinabi ni PMFTC President Denis Gorkun sa Kapihan sa Manila Bay na ang pagpasa ng Vape Law noong 2022 ay isang "panalo" para sa kalusugan ng publiko dahil ito ay nagbukas ng pinto para sa mga produktong nakabatay sa agham na mas mainam na alternatibo sa sigarilyo.
Ipinasa ng Kongreso ang Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act noong isang taon para isaayos ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga makabagong produkto tulad ng vape, heated tobacco at iba pang smoke-free alternatives sa sigarilyo.
Ang PMFTC, na kombinasyon ng Philip Morris International at Lucio Tan Group, ang nangungunang kumpanya ng heated tobacco sa Pilipinas.
Sinabi din ni Gorkun na ang pagpasa ng Vape Law ay nagpapatunay sa suporta ng gobyerno ng Pilipinas sa konsepto ng tobacco harm reduction para bawasan ang pagkonsumo ng sigarilyo. Sa pagkakaroon ng mas mahusay na mga alternatibo na base sa siyensya, ang hindi pagkilos ay magdudulot ng patuloy na paninigarilyo ng mga tao.
“Doing nothing is just prolonging the life of cigarettes and shortening the lives of people who consume those cigarettes,” aniya.
Inilunsad ng PMFTC ang IQOS sa Pilipinas noong 2020, at mula noon ay 75,000 Pilipinong naninigarilyo ang lumipat na sa paggamit nito.
Inihayag din ni Gorkun na ilulunsad ng PMFTC sa lalong madaling panahon sa Pilipinas ang susunod na antas sa innovation ng tabako na tinatawag na IQOS ILUMA. Ito ay isang device na gumagamit ng induction technology para magpainit, sa halip na sunugin ang tabako.
Ilulunnsad din ng PMFTC ang ZYN—isang oral nicotine delivery product. Ang ZYN ay ang nangungunang nicotine pouch na ibinebenta sa US ng PMI matapos nitong bilhin ang Swedish Match.
Ayon kay Gorkun, nagsusumikap ang PMI na abutin ang smoke-free future sa layuning ganap na alisin ang pagkonsumo ng sigarilyo. “We will continue to work towards our smoke-free future vision with products that are found by numerous international health authorities to be far better compared to continuing to smoke cigarettes,” aniya.
Sinabi ni Gorkun na sa kabila ng pagpapatunay sa negatibong epekto ng paninigarilyo sa kalusugan, mayroon pa ding isang bilyong tao sa mundo ang patuloy na gumagamit nito.
Aniya, ang mga nasa hustong gulang na naninigarilyo na hindi makahinto ay dapat magkaroon ng mas praktikal at makatwirang solusyon o pagpipilian kaysa sa patuloy na paghithit ng sigarilyo.
Sa Pilipinas, ang pagpasa ng Vape Law ay isang malaking panalo para sa kalusugan ng publiko dahil sa pagtatakda ng mga pamantayan at pagbibigay ng impormasyon sa mga naninigarilyo tungkol sa mga mas mahusay alternatibo, dagdag ni Gorkun.
Sa parehong forum, sinabi ni Energy Undersecretary Sharon Garin, isang dating miyembro ng House of Representatives at isa sa mga may-akda ng Vape Law na ang nasabing batas ay nakatanggap ng napakaraming paghanga mula sa iba’t ibang bansa nang dumalo siya sa Global Forum on Nicotine sa Warsaw, Poland kamakailan.
Inilarawan ni Garin ang Vape Law bilang batas na progresibo at natataon dahil kasama dito ang kapangyarihang i-regulate ang mga nagbebenta sa Internet.
Sinabi ni Garin na ang kawalan ng regulasyon ay hindi nangangahulugan na ang isang produkto ay ipinagbabawal, subalit hindi nito mapipigil ang paggamit ng produkto ng mga menor de edad.
Aniya, ipinasa ang Vape Law para ipagbawal ang paggamit ng e-cigarettes ng mga bata at bigyan ang mga kasalukuyang naninigarilyo ng alternatibo na makababawas sa antas ng pinsala sa kalusugan.
“As a previous representative and author, I do believe that this law was passed at the right time with the right formula. What we want is a less harmful alternative but also at the same time we didn’t want minors to pick it up,” sabi ni Garin.
Sinabi ni Garin na umaasa siya na ang pagpapatupad ng Vape Law at koordinasyon ng Department of Trade and Industry, Department of Health, Department of Finance at Bureau of Internal Revenue, ang Pilipinas ay magiging “smoke-free country”.
Comments