top of page
Search
BULGAR

Vaccine, pondo at training ng nat'l athletes, susi sa tagumpay

ni Gerard Peter - @Sports | January 15, 2021





Malaki pa rin ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez na ang susi sa patuloy na tagumpay ng National team sa darating 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ay nakasalalay sa alokasyon ng pondo at masinsinang preparasyon at pagsasanay ng mga national athletes.


Kasunod ng pagkakahirang bilang Chef de Mission ng Hanoi Games sa Nobyembre 20-Disyembre 2, aminado itong mahihirapan ang Pilipinas na maidepensa ang korona sa biennial meet dahil sa bentahe ng host country sa pagpili ng mga sports events na lalaruin, gayundin ang pagkaka-delay ng mga pagsasanay ng national athletes bunsod ng kawalan pa rin ng mga bakuna para sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19).


We are still in pandemic and we’re just in a touch-and-go situation right now. Without the vaccine. Pretty hard to prepare them. But, I really believe that the budget and preparation is the key for all of this. Fearless forecast nasa Top 3 pa rin naman,” pahayag ni Fernandez, kahapon ng umaga sa lingguhang TOPS: Usapang Sports via Sports on Air. “Team work is needed just like what we did in 2019. With the help of all parties like the PSC, POC (Philippine Olympic Committee), NSAs (National Sports Association), Congress and the Senate to come together and support them, hopefully we can really see a good performance in the coming SEAG,” dagdag nito sa programang suportado ng PSC, Games and Amusement Board at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Umaasa siya na mapapasama ang national athletes, partikular na ang mga Olympic bound at hopefuls, bilang mga parte ng mga prayoridad bukod sa frontliners na mabibigyan ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.


It is really the preparation of our athletes, in terms of Olympics is concerned. Medyo mahihirapan tayo kung walang vaccine. I really hope na maagahan at mabigyan ng priority ang ating mga national athletes. Chairman (Butch) Ramirez is trying his best to negotiate with the IATF (Inter-Agency Task Force) and DOH (Department of Health) para mapasama ang ating mga atleta sa mga top priorities ng government,” ekslipka ni Fernandez.


Sinabi niya na tila magiging triple ang trabaho niya bilang Chef de Mission dahil sa pandemya, higit na sa mga pagsunod sa tamang health safety standards at protocols ng mga atleta. Mahirap gampanan ang maayos na pagsasanay hangga’t walang bakunang naibibigay sa mga atleta. “Doble o triple ang hirap ng preparation natin for the Olympics and SEA Games knowing that preparation and training is the key to success. We also need to work closer with the IATF and DOH on how to control the pandemic. Talagang vaccine is really the biggest key to a normal way of training and competing in international tournaments,” saad ni Fernandez.


Maaari umanong sandalan ng Pilipinas para sa kauna-unahang gintong medalya sa Summer Olympic Games ay sina boxers Eumir Felix Marcial, 2019 World champion Carlos Yulo ng gymnastics at 2016 Rio Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, habang hindi naman niya inaalis na makapagbigay rin ng mga medalya sina Ernest Obiena ng men’s Pole vault, Kiyomi Watanabe ng women’s judo, Yuka Saso at Bianca Pagdanganan ng Golf, Taekwondo athletes Pauline Lopez at Olympian Kirstie Alora, karatekas Junaa Tsukii, Joanne Orbon at Jamie Lim.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page