ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 30, 2020
Umabot na sa P8.89 trillion ang utang ng Pilipinas nitong buwan ng Mayo dahil sa pinsalang idinulot ng Covid-19 pandemic.
Ayon sa ulat ng Bureau of the Treasury, malapit nang umabot sa P9 trillion ang utang ng ‘Pinas dahil kinailangang magkaroon ng karagdagang pondo ang bansa para matugunan ang kawalang naidulot ng lockdown.
Nakaapekto rin diumano ang peso-dollar exchange rate sa pagtaas ng utang ng ‘Pinas ayon sa bureau.
Comments