top of page
Search
BULGAR

Utang na loob daw kay Kuya Germs… SIGAW NI ISKO: KUNG WALANG SHOWBIZ, WALA AKO!

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 28, 2021



Pagkalipas ng maraming taon, muling nakaharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang members of the entertainment press sa grand presscon ng kanyang biopic na YORME: The Isko Domagoso Story last Friday.

Isa-isang kinamayan ni Mayor Isko ang mga showbiz journalists and vloggers sa loob ng restaurant kung saan ginanap ang YORME grand presscon.


Dahil sobrang abala sa pangangampanya bilang candidate for president for 2022 national elections, limited din ang tanungan portion kay Mayor Isko which is very understandable.

Wala sa presscon ang gumanap na Yorme na sina Raikko Mateo, McCoy de Leon and Xian Lim. We heard, may solo presscon sina Xian at McCoy. Although, nu’ng nakausap namin si McCoy sa birthday party ng skin care clinic owner na si Cathy Valencia, may personal reasons siya kung bakit may tsika na ‘di siya makaka-attend ng YORME presscon.


Gayunpaman, pinuri at pinasalamatan ni Mayor Isko sina Xian, Raikko at McCoy sa pagtanggap ng YORME na ipinrodyus ng Saranggola Media Productions at sa direksiyon ni Joven Tan.

“Gusto kong pasalamatan si Raikko Mateo, ‘yung bata na Kois (Isko) at si McCoy de Leon, ‘yung teenager at si Mr. Xian Lim na gumanap na sa edad kong Isko. So, I’m really grateful for them and they gave justice to the content for the musical movie. Thank you very much sa kanila and they’re very good in the movie,” pahayag ni Mayor Isko.

Sa pelikulang YORME, binigyan ng importansiya at malaking partisipasyon ang role ni Master Showman German Moreno played by Janno Gibbs. Tama naman dahil napakalaki ng bahagi sa buhay ni Mayor Isko ng yumaong TV host.

“Well, uh, with Kuya Germs, hindi ko mababayaran ang utang na loob ko sa kanya sa bagay na ibinigay sa akin. Remember, most of you here saw how many of us, by the hundreds in That’s Entertainment. While it is true that Kuya Germs believes in everyone, but you really have to strive and excel from that group. And Kuya Germs made a big role doon sa mabilis na pag-angat ko sa showbiz in short period of time.

“Marami sa inyo rito na talagang pinush ako na matuto, makilala, and most of it, si Kuya Germs and Daddie Wowie (Roxas), kaya hindi ko ‘yun makakalimutan. And thanks to GMA-7 na, for creating the show, That’s Entertainment wherein dahil doon, maraming sumikat na bata at hanggang ngayon, pinakikinabangan ng Philippine showbiz industry ‘yung grupo natin.

“Nakikita natin ‘yung mga naging Superstar, naging star and international star, at marami rin sa That’s Entertainment, naging bahagi ng pamahalaan. I for one, and so many, marami rin ang napasok sa public service.

“And it is very painful to me when he passed away because he is like a dad. Although, anak niya si Federico (Moreno), ampon ako ni Kuya Germs.

“How I wish na nandito siya ngayon. Na ‘yung batang basurero, nabigyan niya ng pagkakataon. (Taong) 1993 inabot ko ang kalalagyang ito, ngayon, nandito ako sa harapan ninyo, (sa) awa ng Diyos. But anyway, may he rest in peace and enjoy seeing all of us here together,” pag-alaala ni Mayor Isko sa kanyang mentor. Tinanong namin si Mayor Isko kung ano ang nais niyang sabihin sa kanya ni Kuya Germs sakaling makausap niya ang TV host sa gitna ng tinatamasa niyang popularidad at respeto mula sa taumbayan.

“I don’t know Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. (But) I remember it vividly, he’s on the wheelchair. Katatapos lang niya ng DZBB. One of those days, and uh, galing siya noon sa sakit. But physically, nakakatrabahu-trabaho na siya.

“Si Kuya Germs kasi, wala ring sakit-sakit ng katawan ‘yun, eh, trabaho lang ‘yun. Basta, very heartwarming ‘yung sinabi niya and he’s very happy.

“At least, on that aspect I have the liberty to share it with you. The other things, masyado nang romanticized and that is between me and Kuya Germs on how proud he is (for me).


“Bagaman ako’y nakaranas ng mga talbog sa katawan, baldog sa buhay, ‘YUNG BOUNCE BACK KO, EH, TALAGANG MASAYANG-MASAYA SIYA.

“That is, doon sa clinic, specifically, sa clinic ng GMA-7, sa ground floor malapit sa DZBB station, so, uh, that’s why I’m grateful to Daddie Wowie. I’m grateful to you, showbiz journalists, showbiz media.

“I’m grateful to Kuya Germs. I’m grateful to showbiz. WITHOUT SHOWBIZ, MAYBE, I’M STILL NOTHING. Or maybe, kung pagpalain ako ng Diyos, doon sa pangarap ko na nauna, na maging kapitan ng barko, siguro seaman ako. But God has so many ways of giving you pains that fulfill the things you hope and wished for.

“Ang gusto ko lang, umangat sa buhay. Pero showbiz ang ginamit niya para umangat ako sa buhay. And I owe it to showbiz industry. And I’m honored, happy and excited that there will be opportunity for the Philippine movie industry to be shown, seen again after one year and nine months, na may pelikulang gawa ng Pilipino.


"And immaterial of results I’m happy that it will be a north star. North star for our people to invest in Philippine movie industry 'coz this will be the first Filipino movie na ilalabas kaalinsabay ang mga higante, hehe, na pelikulang galing sa Estados Unidos na kinasasabikan din ng ating mga kababayan.


“So, we could help. We as Filipinos, let’s watch it. Let’s support it and start a new beginning for the Philippine movie industry during pandemic and post-pandemic. May awa ang Diyos.”


Maging mabuti sa magulang ang una sa mga nais ni Mayor Isko na maging takeaway ng mga manonood after they watch YORME na mapapanood sa mga sinehan simula sa December 1.


“Mahirap ang buhay ng marami nating mga kababayan. Ang ating kapaligiran, masalimuot, maraming hamon, at maraming tukso, lalo na 'yung ipinagbabawal na droga. But I did not. If I can do it, you can do it. Hindi ako na-peer pressure. Hindi ako nainggit sa mga… solvent for that matter, ha, ‘yung pinakamadaling matagpuan sa kalsada, I did not.


“One, because takot ako sa magulang ko. Pangalawa, nakikinig ako sa magulang ko. Pangatlo, alam ko na ang ending, makukulong ka o matitigok ka. Ganyan lang ang ending mo,” diin pa niya.


Sinubukan din naming itanong kay Mayor Isko kung ano ang stand niya sa ABS-CBN franchise.


“ABS-CBN, as I have said, pipirmahan ko ‘yung franchise nila. I will return it. They paid their obligation. Will give them opportunity be back again. When franchise is granted, I will sign it into law. Because that is an instant 11,000 jobs, and our policy, in our dream and aspiration is ano ba ang sinabi namin? Buhay at kabuhayan.


“So, in line with this policy, if we open up again ABS-CBN, again and again, I will do it. Then, I created easily 11,000 jobs and the subsidiary effect of it, ‘noh, outside ABS-CBN, the economy that can bring and an opportunity for actors and actresses like me na kung saan umaasa sa showbiz, meron na naman silang another opportunity.


“O, you have GMA-7, you have TV5, you have other stations, and you have now, again, may awa ang Diyos, bigyan ako ng pagkakataon ng ating mga kababayan pagbalik ko ng ABS-CBN, oh, maraming choices ang tao. ‘Pag maraming choices ang tao, magko-compete sila healthily. Then, gaganda ang content. 'Pag gaganda ang content, mapapakinabangan ng mga viewers.


“Then, ‘yung trabaho, ‘yung negosyo behind it, imagine what it can add in our industry. If we have good content again, we can show to the world, ah, okey ‘yan, eh. Tayo ay nasa demokrasya. May awa ang Diyos, in my time, under my watch, level ang playing field. It will be predictable and it will be certain in terms of dealing with business and opportunity."


Natanong din namin si Mayor Isko kung sino among his presidentiable opponents ang nais niya na mapanood ang kanyang biopic.


“Lahat sila, hahaha! Iimbitahin ko sila na panoorin ang YORME!"

Very well said, Mayor Isko.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page