top of page
Search
BULGAR

Hindi nicotine — cancer experts.. Usok ng yosi, dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay

ni Chit Luna @Brand Zone | February 1, 2023



ANG usok dulot ng pagkasunog ng tabako, at hindi nicotine, ang tunay na dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga naninigarilyo, ayon sa mga banyagang dalubhasa.


Ayon sa dalawang cancer experts, mapanganib sa kalusugan ng tao ang pag-aapoy ng tabako at paglanghap ng usok nito.



Ayon kay Dr. Peter Harper, isang oncologist sa Guy’s and St. Thomas Hospital sa London, naninigarilyo ang mga tao para sa nicotine, pero namamatay dahil sa usok mula sa pagliliyab ng tabako na may init na lagpas sa 350 degree Celsius.


Ani Dr. Harper, nag-iiwan ng usok at abo na may mga toxic o mapanganib na chemicals ang pagniningas ng tabako. Ang mga ito ang sinasabing sanhi ng sakit sa baga at cancer.


Sinang-ayunan ito ni Dr. David Khayat, isang professor ng Oncology sa Pierre et Marie Curie University sa Paris, na nagsabing hindi pinagmumulan ng cancer ang nicotine.


Ang mga manggagamot, aniya, ay nagrereseta pa nga ng nicotine replacement therapy o NRT para makatulong na umiwas sa paninigarilyo. Nicotine ang pangunahing sangkap ng NRT.


Samantala, ang pagkakalantad sa carcinogen mula sa usok ng sigarilyo ang totoong sanhi ng cancer, ani Dr. Khayat.


Ang mas mataas na exposure sa carcinogen ay nagbibigay ng mas malaking panganib sa pagkakaroon ng cancer, dagdag pa niya.


Para maiwasan ang cancer at sakit sa baga, pinayuhan nina Dr. Harper at Dr. Khayat ang mga naninigarilyo na pag-aralan ang konsepto ng tobacco harm reduction or THR.


Ang THR ay nagsusulong sa paggamit ng mga modernong produkto na hindi gumagamit ng apoy at hindi lumilikha ng usok na nakakasama sa kalusugan.


Ang ilan sa mga alternatibong produktong ito ay electronic cigarettes at heated tobacco products o heated tobacco na hindi gaanong nakakapinsala sa katawan dahil hindi sila gumagamit ng apoy katulad ng sigarilyo para pakawalan ang nicotine.


Itinuturing din ng mga dalubhasa ang THR na mas mabisang public health strategy para bigyan ang mga naninigarilyo ng mas mainam na alternatibo kaysa pagsusunog ng sigarilyo.


Tinutulungan din nito ang mga smokers na bitawan ang paninigarilyo at lumipat sa alternatibong produkto tulad ng e-cigarettes at heated tobacco.


Pinuri naman nina Dr. Harper at Dr. Khayat ang Pilipinas, lalo na ang Kongreso, sa pagsasabatas ng Vape Law noong July 2022 para sa tamang regulasyon ng vape products and heated tobacco sa bansa.


Tinatayang may 14 milyong Pilipino ang naninigarilyo, ayon sa Global Adult Tobacco Survey noong 2021.


Ibinunyag ng naturang pag-aaral na tanging 3.9 porsyento ng mga naninigarilyo sa bansa ang matagumpay na huminto sa paninigarilyo, samantalang karamihan ay nananatiling bihag ng sigarilyo.


Ito ay nagpapakita ng kawalang bisa ng mga kasalukuyang smoking cessation strategies, ayon sa mga dalubhasa.


Gayunman, ang pagpapakilala ng e-cigarettes at heated tobacco sa merkado ay nagpakita ng malaking pagbaba sa bilang ng mga smokers sa iba’t ibang bansa.


Halimbawa, ang paggamit ng heated tobacco, na ginagamitan ng init na hindi lalagpas sa 350 degrees Celsius, ay hindi lumilikha ng usok.


Dahil walang nangyayaring pagkasunog, ang exposure sa toxic chemicals dahil sa paggamit ng heated tobacco ay sinasabing mas mababa ng 95 porsyento kaysa pagsindi ng sigarilyo, sabi ni Dr. Harper.


Dagdan naman ni Dr. Khayat, nagbibigay din ng kaparehong nicotine level ang heated tobacco kumpara sa tradisyonal na sigarilyo.


Ang pagiging mas epektibong alternatibo sa sigarilyo ang sinasabing dahilan kung bakit milyun-milyong smokers sa Japan ang nakumbinsing lumipat sa heated tobacco mula sa sigarilyo.


Ang Japan ang may pinakamataas ng paggamit ng heated tobacco sa buong mundo, ayon sa pagsasaliksik ng Philip Morris International. Ang pinakapopular na heated tobacco brand sa Japan ay IQOS na gawa ng PMI.


Sinabi ng PMI na kasabay ng pagtaas ng paggamit ng heated tobacco sa Japan ay ang pagbaba sa bilang ng mga naninigarilyo sa naturang bansa. Sa ngayon, halos isa sa tatlong dating smokers sa Japan ang lumipat na sa heated tobacco.


Pinatunayan ito ng Japanese National Health and Nutrition Survey na nagpapakita ng malawakang pagbaba ng smoking prevalence sa Japan makaraang ipakilala ang heated tobacco sa merkado. Noong 2019, bumaba sa 13 porsyento ang smoking prevalence sa bansa, mula sa 20 porsyento noong 2014 bago ipakilala ang heated tobacco.


Sa Estados Unidos, pinayagan na rin ng Food and Drug Administration (FDA) noong Hulyo 2020 ang marketing ng IQOS bilang modified risk tobacco product (MRTP) na may mas mababang panganib sa kalusugan kumpara sa sigarilyo.


Pinayagan ng US FDA ang pagpapakilala sa IQOS bilang produkto na gumagamit ng init, pero hindi umaabot sa pagkasunog ng tabako. Dahil dito, higit na mababa ang mga mapinsalang chemicals na idinudulot ng IQOS kumpara sa sigarilyo.


Ayon din sa mga siyentipikong pag-aaral, nababawasan ang exposure sa mapaminsalang chemicals kung lilipat ang mga smokers sa IQOS na isang brand ng heated tobacco.


0 comments

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page