top of page
Search
BULGAR

Uso na naman ang trangkaso, magpa-flu shot at face mask

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 27, 2023



Usung-uso ngayon ang mga ubo’t sipon at trangkaso. Sa unang akala ng iba, eh may COVID-19 na sila.


Pero ayon nga sa Department of Health, bahagi ng hanging Amihan ang mga flu cases na ito.


‘Yun nga lang, dahil siguro sa traumatize pa rin tayo ng katatapos na COVID virus, todo to the max pa rin ang pagka-paranoid na may COVID ‘yung mga tinatamaan ng ubo’t sipon.


Ayon nga sa DOH, pumalo na sa 151,375 ang influenza like illness cases na mas mataas ng halos 40,000 kumpara sa naging kaso sa kaparehong panahon noong isang taon.


Karamihan nga pawang mga bata ang dinadapuan ng ubo’t sipon. Eh, karamihan pa naman sa school hindi masyadong nakabukas ang mga bintana.


Kaya kung merong tinamaan ng virus sa mga magkakaklase abah eh, dire-diretso hawahan na ang lahat.


Sa mga nag-oopis din naku, matic ang hawahan d’yan. ‘Pag may isang umubo damay-damay na lahat.


Hindi naman COVID ang dumarapo sa kanila, ayon na rin sa paglilinaw ng Department of Health.


Kaya naman, IMEEsolusyon, unahin ang magpa-flu shot.


Ikalawa, IMEEsolusyon na sa mga pumapasok sa eskwelahan o maging sa mga trabaho, plis para makasiguro, mag-face mask na muna ulit.


Ikatlo, if batid natin na dumarami na ang mga batang nagkaka-flu, abah eh, puwede n’yo naman maging choice ang online classes ‘di ba?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page