top of page
Search
BULGAR

Usec. Vergeire, bilang DOH OIC – P-BBM

ni Lolet Abania | July 14, 2022




Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng naturang ahensiya.


Ito ang inanunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang interview sa state-run na PTV-4.


Gayundin, sinabi ni Angeles na si dating LRT administrator Mel Robles ang na-nominate bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Sa isang press conference sa Malacañang, ayon kay Angeles ang termino ni Vergeire bilang OIC ay maaaring ma-extend kung ang administrasyon ay wala pang napiling DOH secretary matapos ang isang buwan, alinsunod ito sa Memorandum Circular No. 1.


“Tama po kayo na ang MC 1 nagtatalaga lang po ng OIC hanggang sa katapusan ng buwan. Ini-expect po natin na kung wala pang natatalagang pinuno ang DOH before that time ay ie-extend ang pagka-OIC. But titingnan po natin ang mangyayari during that time,” pahayag ni Angeles.


Sa MC 1, inaatasan ng Malacañang ang mga next-in-rank at pinaka-senior officials na mamuno o mag-take over bilang officers-in-charge sa mga departamento, opisina, ahensiya, at bureau habang wala pang napipiling kapalit na mga top executives.


Ang OIC ang gaganap ng tungkulin ng opisina hanggang Hulyo 31, 2022, o hanggang ang kapalit o replacement ay maitalaga para sa posisyon.


Kaugnay naman sa task ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, sinabi ni Angeles na ang kanilang functions ay magpapatuloy sa bagong administrasyon.


Nagpasalamat naman ang DOH kay Pangulong Marcos sa pagpili kay Vergeire, na kasalukuyang undersecretary for Public Health Services Team at Office of the Chief of Staff ng ahensiya, gayundin, kanilang spokesperson, na maging kanilang OIC.


“[The] DOH appreciates the President's confidence in one of its career executives, including the immense responsibility such trust brings,” ani DOH sa isang statement sa desisyon ng Pangulo.


“Each and every member of the DOH family shall work together to continue the gains instituted by previous administrations. We look forward to continuing our recovery from the pandemic, and working towards universal health care for all Filipinos,” pahayag pa ng ahensiya.


Una nang inilagay ni dating DOH Secretary Francisco Duque III si Vergeire bilang succeeding incident manager ng National Vaccination Operations Center (NVOC), kapalit ni Myrna Cabotaje.


Bilang DOH’s officer-in-charge, inaasahan na si Vergeire ang mangangasiwa at magma-manage ng pangkalahatang health situation ng bansa sa gitna ng mga banta ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at dengue cases sa mga nakalipas na linggo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page