ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Feb. 6, 2025
Batay sa Social Weather Stations, usaping pang-ekonomiya ang pangunahing alalahanin ng mga Pilipino ngayong parating na halalan.
Sa isang survey na isinagawa ng SWS mula January 17 hanggang 20, lumalabas na 94 percent daw ng Pilipino ang susuporta sa mga kandidatong gagawing prayoridad ang paglikha ng trabaho at pagpapalago ng agrikultura para masiguro ang seguridad sa pagkain.
Samantala, 93 percent naman ng respondents ang sumagot na susuportahan ang mga kandidatong magsusulong ng kalusugan.
☻☻☻
Pinahahalagahan din ng mga botante ang mga isyu ng edukasyon at karapatan ng manggagawa, kasama ang mga OFW, na nagtamo ng 92 percent.
Nasa 87 percent naman ang nagpahalaga sa climate change at pangangailangan na tugunan ito, kasama ang disaster preparedness. 87 percent din ang nagsabi na kailangang tutukan ang kahirapan at kagutuman.
Nasa 85 percent ang nagpahiwatig ng suporta para sa pagtugon sa tumataas na presyo ng bilihin, at 83 percent naman ay para sa national security.
☻☻☻
Tunay na mahalaga ang mga isyung ito na kinakailangang masinsing tugunan ng pamahalaan.
Umaasa tayo na ang lahat ng kandidato ay maglalatag ng plataporma sa kung paano nila sosolusyonan ang mga problemang ito.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments