ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021
Nakapagtala ang United States ng unang kaso ng COVID-19 sa usa, ayon sa pamahalaan ng naturang bansa noong Biyernes.
Iniulat ng US Department of Agriculture (USDA) ang SARS-CoV-2 infection sa wild white-tailed deer sa Ohio.
Saad pa ni USDA Spokeswoman Lyndsay Cole, "We do not know how the deer were exposed to SARS-CoV-2.
"It’s possible they were exposed through people, the environment, other deer, or another animal species."
Nilinaw din ng USDA na asymptomatic o walang nakitang sintomas ng COVID-19 sa naturang usa.
Ayon sa USDA, kumuha ng serum samples mula sa naturang usa ang Ohio State University College of Veterinary Medicine na isinailalim sa pagsusuri at napag-alaman na positibo ito sa COVID-19 na kinumpirma naman ng National Veterinary Services Laboratories ng ahensiya.
Samantala, matatandaang una nang iniulat ng USDA ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga hayop katulad ng mga aso, pusa, tigre, leon, snow leopards, gorillas at minks.
Comments