top of page
Search
BULGAR

US Pres.-elect Biden, naturukan na ng COVID-19 vaccine

ni Thea Janica Teh | December 22, 2020



Nakatanggap na ng unang infected dose para sa COVID-19 si US President-elect Joe Biden nitong Lunes upang mahikayat ang publiko na magpaturok at maipakitang safe ang vaccine na ito na sisimulang ipamahagi sa susunod na taon. Kabilang si Biden sa high-risk group sa COVID-19 dahil sa edad na 78.


Kaya naman ito umano ang kanyang panlaban sa COVID-19 na nakapatay ng halos 315,000 katao sa Amerika at may kabuuang 17.5 milyong naimpeksiyon. Si Tabe Mase, isang nurse practitioner at head ng Employee Health Services sa Christiana Hospital sa Newark Delaware ang nanguna sa pagturok ng vaccine kay Biden sa harap ng mga reporters.


Matapos maturukan ng vaccine na ginawa ng Pfizer Inc., agad na pinuri ni Biden ang mga medical professionals at sinabing sila ay bayani.


Aniya, "I'm doing this to demonstrate that people should be prepared when it's available to take the vaccine. There's nothing to worry about."


Bukod pa rito, pinaalalahanan ni Biden ang publiko na makinig sa mga medical experts at huwag nang bumiyahe ngayong Kapaskuhan. Kinilala rin ni Biden ang mga scientists na gumawa ng vaccine na ito at sinabing "I think that the (Trump) administration deserves some credit, getting this off the ground with Operation Warp Speed."


Samantala, sa susunod na linggo naman nakatakdang magpaturok ng vaccine si Vice-President-elect Kalama Harris.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page