top of page
Search
BULGAR

US, nagbigay ng P183 milyong mga armas sa 'Pinas


ni Lolet Abania | June 22, 2021



Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga armas at kagamitan na nagkakahalaga ng P183 milyon mula sa Joint US Military Assistance Group-Philippines (JUSMAG).


Ayon sa United States Embassy sa Pilipinas, ang mga opisyal ng JUSMAG ang nag-deliver ng equipment, kabilang dito ang siyam na M3P .50 caliber heavy machine guns at 10 mortar tubes, sa Clark Air Base.


Ayon pa sa US Embassy, layunin nito ang mapahusay ang counterterrorism ng AFP at maritime security capabilities ng ahensiya.


“The United States will continue to support the Armed Forces of the Philippines’ capacity-building efforts through joint training and key military equipment transfers,” ani JUSMAG Chief Colonel Stephen Ma sa isang statement.


“Our mutual security collaboration remains a cornerstone of a free and open Indo-Pacific,” dagdag niya.


Matatandaang noong April, tinalakay ng AFP at JUSMAG ang tungkol sa pamamahala at response sa “sitwasyon” ng exclusive economic zone ng Pilipinas.


Dagdag ng embahada, nagbigay ang US ng mahigit sa P48.6 bilyong security assistance sa bansa simula 2015, kung saan ang Pilipinas ang pinakamalaking nakatanggap ng US military assistance sa buong Indo-Pacific region.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page