ni Jenny Albason | May 22, 2023

Suportado ng US ang pagbibigay ng advanced fighter jets kabilang ang F-16 sa Ukraine.
Batay sa isang senior White House officials, handa rin umano nilang turuan ang mga Ukrainian pilots upang magamit ang nasabing mga eroplanong pandigma.
Tinalakay ang nasabing plano sa harap ng mga lider ng Group of Seven.
Ang plano ng US ay bilang tulong na rin kay Ukraine President Volodomyr Zelenskyu na matagal ng humihiling ng mga fighter jets para tuluyang malabanan ang ginawang pagsakop ng Russia.
Comments