top of page
Search

US import Stalzer at Mau, balik Logistics para sa PVL

BULGAR

ni Gerard Arce / VA - @Sports | September 23, 2022




Nagbabalik upang maglaro para sa koponan ng F2 Logistics ang American import na si Lindsay Stalzer at ang Fil-Am na si Kalei Mau para sa darating na Premier Volleyball League Reinforced Conference na magbubukas sa Oktubre 8. “Returning for some unfinished business. Recalled for a homecoming. Let’s move now, Lindsay Stalzer and Kalei Mau,” saad ng post ng F2 Logistics sa kanilang social media page. Si Stalzer ang natatanging beterano sa hanay ng mga imports na maglalaro sa third conference ng unang professional women's volleyball league sa bansa dahil nakapaglaro na ito at nagkampeon pa sa Philippine Super Liga sa koponan ng Foton at Petron.

Huling naglaro ang 38-anyos na opposite hitter para sa Cargo Movers noong 2019 PSL Grand Prix kung saan natalo sila ng Petron sa finals at sa natigil na 2020 Grand Prix dahil sa pandemya. Malaking bentahe naman ang 27-anyos na si Mau dahil nakatatlo na itong titulo para sa Cargo Movers kabilang ang unang Champions League crown noong 2021.

Samantala, kinuha ng bagong koponang Akari para sa kanilang debut conference ang Olympian na si Prisilla Rivera. Naging bahagi ang 37-anyos na middle blocker ng national team ng Dominican Republic sa tatlong Olympic editions,13 Most Valuable Player awards, 17 club titles at 12 international gold medals sa loob ng kanyang 22-taon career bilang volleyball player. Huli siyang naglaro sa Jakarta Pertamina Energi sa bungad ng taon. Tanging ang Creamline, Cherry Tiggo at Choco Mucho ang wala pang imports.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page