ni Lolet Abania | Pebrero 2, 2023
Nakapag-usap na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at United States Defense Secretary Lloyd Austin III.
Nabatid na nag-courtesy call ang American official kay Pangulong Marcos kasama ang iba pang mga opisyal ngayong Huwebes ng umaga.
Si Austin ay dumating sa bansa noong Martes ng gabi habang binisita naman niya ang local troops sa Zamboanga City nitong Miyerkules.
Bago pa ang kanyang meeting kay P-BBM, nakipagkita si Austin kina National Security Adviser Eduardo Año at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Matapos ang pag-uusap nila ng Pangulo, nagkaroon din ng meeting si Austin sa kanyang Filipino counterpart na si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.
Samantala, ilan sa mga usapin na inaasahang tatalakayin sa pag-uusap nina Austin at Galvez, at iba pang Defense officials ay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang kasunduan sa pagitan ng US at ng Pilipinas na pinagtibay noong 2014, na naglaan para sa karagdagang rotational presence ng mga tropang Amerikano sa bansa.
Comments