ni Angela Fernando @News | May 29, 2024
Itinakda ng United States appeals court nu'ng Martes ang mabilisang schedule upang talakayin ang mga legal na hamon sa bagong batas na nag-aatas sa China-based na ByteDance na ibenta ang mga asset ng TikTok sa nasabing bansa bago ang Enero 19 o harapin ang posibleng ban.
Isasagawa ang oral arguments sa Setyembre, ito ay matapos ang TikTok, ByteDance, at isang grupo ng mga content creators ng application ang sumama sa Justice Department nu'ng nakaraang buwan upang kondenahin ang desisyon.
Matatandaang nagsampa ng kaso ang isang grupo ng mga content creators ng TikTok nu'ng Mayo 14 upang harangin ang batas na maaaring magbawal sa app na ginagamit ng 170-milyong mga Amerikano.
Ayon sa schedule ng appeals court, kailangang magsumite ng mga legal na dokumento ang mga creator, TikTok, at ByteDance bago ang Hunyo 20 at ang Justice Department bago ang Hulyo 26, na may mga sagot na dokumento na dapat isumite bago ang Agosto 15.
Comments