top of page
Search
BULGAR

Upo, epektib na pantanggal ng pagod, pampapayat at pampababa ng cholesterol

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 19, 2020




Ang upo.


Isa sa pinakakilalang gulay ang upo at ito rin ang numero-unong paboritong itanim ng mga magsasaka at taga-probinsiya.


Para sa mga magsasaka, naaalis ang pagod nila kapag nakikita nila ang bunga ng kanilang itinanim na upo. Sa kanilang mundo o sa mundo ng mga magsasaka, mayroong unwritten na paligsahan kung saan sila ay nagpapahabaan ng kanilang bunga ng upo.


Kaya para magawa nilang mapaganda ang kanilang tanim na upo, maaga pa o kahit hindi pa panahon ng pagtatanim ng mga gulay, nag-iipon na sila ng pataba. Itinatabi nila ang dumi ng kanilang alagang hayop para magamit sa pagpapalago ng mga tanim na gulay, partikular ang upo.


Hindi pa man pumapatak ang unang ulan sa buwan ng Mayo, gumagawa na sila ng “lungaw” o butas sa lupa na pagtatamnan ng upo. Lalagyan na nila ito ng pataba o natural fertilizers mula dumi ng hayop para ihanda ang lupang pagtatanman.


Nakakatuwa dahil espesyal itong ginagawa ng mga magsasaka para sa upo. Kumbaga, hindi nila gaanong inihahanda ang lupang pagtatamnan ng iba pang gulay dahil tulad ng nasabi na, ito ay dahil may tradisyon sila sa pahabaan ng bunga ng upo.


Ang nakatutuwa rito ay dahil sa dami, hahaba at malaki ng bunga, hindi nila ito ibinebenta dahil ipinamimigay lang nila ang mga bunga ng upo sa mga kapitbahay, kaibigan at kaanak sa nakatira sa kanilang bayan.


Pero nabago na ang takbo ng buhay ng mga Pinoy dahil mas marami nang mga bunga ng upo ang ibinebenta para sa pandagdag na kabuhayan.


Sadyang nakatutuwa ang upo, pero may higit na nakatutuwa rito dahil ang upo rin ay kabilang sa halamang gamot kung saan maraming karamdaman na ang nalulunasan nito tulad ng mga sumusunod:

  1. Pangtangal ng pagod. Isa rin ito sa dahilan kung bakit paborito ito ng mga magsasaka hindi lang sa pahabaan ng bunga kundi dahil kapag ininom ang katas ng upo o tubig na pinaglagaan ay nakakawala ng pagod.

  2. Ito rin ay gamot sa pagdurugo ng ilong o nose bleeding sa panahon ng tag-init. Kaya ring lunasan ng upo ang taghiyawat, pagputok ng balat at heat stoke sa panahon ng tag-init.

  3. Tumutulong ang upo para bumaba ang timbang o para pumayat. Tulad ngayon, halos ang lahat ay tumaba dahil sa tagal ng lockdown, ang pag-inom ng tubig na pinaglagaan ng upo ay mabisang pampapayat.

  4. Bukod pa rito, dahil maraming fibers ang upo, hindi ka mapaparami ng kain kapag inulam ito dahil madarama mong busog ka na. Ang ganitong pakiramdam na busog na ay ang pormula ng mga mamahaling produkto na pagkaing pampapayat.

  5. Isa sa mas kinikilalang kakayahan ng upo bilang herbal medicine ay bilang panlunas sa UTI o urinary tract infection.

  6. Sumasakit ba ang tiyan mo? Feel mo ba, hindi ka natunawan? Uminom ka ng katas ng upo at mahimalang mawawala ang sakit ng tiyan mo.

  7. Ang regular na pag-inom ng katas ng upo o tubig na pinaglagaan nito ay nagpapababa ng blood cholesterol, kaya ito ay good for the heart.

  8. Pagod ang katawan at isipan mo dahil sa dami ng gawain at suliranin? Uminom ka ng katas ng upo at mawawala ang pagod mo, mentally at physically.

Masarap ang upo dahil may kakaiba itong tamis kapag isinasahog sa ulam. Maaaring hindi tanggihan ng mga bata ang upo dahil ito ay masarap ding kainin at mabilis na natutunaw sa dila. Gayundin, ang lasa ng upo ay hindi tulad ng ibang gulay na inaayawan ng mga bata. Subukan mo itong ipatikim sa bata at ito ay kanilang magugustuhan, lalo na kung sa unang pagpapatikim ay isasama mo sa kanilang mga paboritong pagkain.


Inirerekomenda naman na mas magandang ang mismong upo ay ilagay sa juicer at ang katas ang inumin kung gagamitin bilang halamang gamot.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page