top of page
Search
BULGAR

Unvaxxed voters, ‘di kailangan ng negative swab result sa May 9 elections – Comelec

ni Lolet Abania | April 30, 2022



Walang polisiya na nagre-require sa mga ‘di bakunadong mga botante na magpakita ng negative RT-PCR result sa mga polling precinct sa May 9 elections, ayon sa Commission on Elections.


“No reso or guidelines mandating the showing of vaccination cards by voters. No such [requirement] for the exercise of the right of suffrage,” sabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang text message ngayong Sabado sa ABS-CBN News.


Sa naunang media briefing, sinabi naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na ang mga unvaccinated na mga indibidwal ay maaaring bumoto mula sa isolation polling places, kung saan ang mga symptomatic ay doon din isasagawa ang pagboto.


“’Yun ang alam nating polisiya ng ating Comelec, kapag ikaw ay vaccinated, ipakita mo ‘yung vaxx card mo, ‘pag ikaw ay unvaccinated, dapat ipakita ‘yung RT-PCR test results mo, negative within 48 hours tapos i-screen ka,” saad ni Cabotaje.


“Kapag ikaw ay nakitaan ng sintomas, pagbobotohin ka sa isolated voting place na dinesignate ng ating Comelec,” dagdag ni Cabotaje.


Ibinato ang naturang tanong sa konteksto ng pagkakaroon ng mga lugar para sa mga vaccinated at unvaccinated voters sa araw ng eleksyon.


Samantala, binigyang-diin ni Cabotaje na pinaninindigan ng ahensiya na ang mga botante na positibo sa COVID-19 ay hindi dapat lumabas ng kanilang quarantine, dahil ito aniya ay labag sa batas.


“Hindi po pwede lumabas ang may sakit. They’re not allowed to go out of their areas kapag sila ay positive. Hindi sila puwede lumabas sa isolation facilities,” giit ni Cabotaje.


Nilinaw naman ng Comelec nitong Biyernes na ang mga COVID-19 patients ay maaaring hindi makaboto kung sila ay nasa kanilang quarantine facilities.


Bagaman hindi pinipigilan ng DOH ang sinuman na bumoto, mahalaga pa rin para sa publiko na sumunod sa polisiya ng gobyerno habang ang pandemya ay naririyan pa rin.


“Individuals who are positive with COVID-19 should strongly refrain from going outside and remain in isolation while recovering... The law is clear and provides for measures to quickly stop the spread of any infectious disease,” batay pa sa isang statement ng DOH.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page