top of page
Search
BULGAR

Unregistered nurses,to-the-rescue vs. COVID-19

@Editorial | May 07, 2021



Hihilingin na sa Department of Health (DOH) at sa Professional Regulation Commission (PRC) na pahintulutan ang mga unregistered nurses na matugunan ang kakulangan ng health workers sa bansa.


Ang mga nagtapos ng nursing na hindi pa nakakapag-board exam dahil sa pandemic ay maaari umanong gamitin bilang complementary manpower para makatulong sa kakulangan ng mga medical frontliners.


Bagama’t wala pang lisensiya, pinag-aralan naman daw ng mga ito ang trabaho ng mga nurse. Kung saan, puwede raw silang magtrabaho sa ilalim ng pangangasiwa ng isang registered nurse o doktor at sa pamamagitan ng isang special arrangement sa pagitan ng PRC.


Sa pamamagitan nito, kahit paano ay matutu­lungan ang mga health workers sa laban sa COVID-19. Hindi naman kinakailangang bigyan sila ng mabigat na gawain lalo’t napakalaking responsi­bilidad ang pagtugo sa buhay, kundi ‘yung maging kaagapay lang ng mga doktor at rehistradong nurse ay napakalaking bagay na.


Matatandaang ipinagpaliban ng PRC ang nursing board exam ngayong taon na nakatakda sana sa May 30 at 31 alinsunod na rin sa hiling ng Philippine Nursing Association dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. Inilipat ang araw ng exam sa November 21 at 22, 2021.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page