ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 12, 2025
Photo: Vice Ganda, Bela Padilla - It's Showtime
Napuno ng kilig ang It’s Showtime (IS) studio sa pagbisita ng kasintahan ni Bela Padilla na si Norman Bay na isang Swiss-Italian.
Hindi maitago ang kilig ng IS hosts at madlang Kapuso nang makilala nila ang surprise guest ni Bela sa studio.
Sa patok na segment na And The Breadwinner Is, nakisaya sa hulaan ang charming boyfriend ng aktres.
Kahit simple lang ang porma ng foreigner, kuhang-kuha nito ang puso ng audience dahil sa kanyang charming looks.
“Sana, ipinapakilala mo ko, Bela, doon sa dyowa mo,” biro ni Vice Ganda nang makita si Norman sa tabi.
Sey pa ni Vice, “At tsaka sana, sinasabi mo, halos pareho kami ng buhok.”
“Actually, tinerno ko nga kayong dalawa,” sagot ni Bela habang pinagmamasdan ang parehong hairstyle nina Vice at Norman.
Lumakas ang tilian ng madlang audience nang pinapunta si Norman on stage. Hindi rin mapigilan ni Bela ngumiti sa tuwa habang nahihiya rin ito sa kantiyawan ng mga hosts sa kanila.
“Hi, Norman! Nice to meet you. My name is Anne Curtis,” patawang pagpakilala ni Vice.
“Hoy! Hindi totoo ‘yan!” sigaw ni Bela.
“Hindi naman n’ya alam, sige na,” pakiusap ni Vice.
Hirit pa niya, “Oh, sige, magki-Kim Chiu na lang ako. Hi, I’m Kim Chiu.”
Marami ang napa-“awww” nang kinausap na ni Vice si Norman bilang matalik na kaibigan ni Bela.
“I really heard a lot of things about you, wonderful things about you. As Bela’s friend, I’m very happy to meet you and I’m very happy that Bela found you,” pakli ni Vice.
“That’s super sweet. Thank you,” masayang sagot ni Norman.
Sinabi ni Bela na nanonood ng IS ang Swiss boyfriend. Lalong kinilig si Vice nang sabihin ni Bela na dahil sa Unkabogable Star kaya nanonood si Norman.
“He watches Showtime on time,” ipinagmalaki ni Bela.
Ani Vice, “Really? Thank you very much. Why? Because of Bela? Even if Bela is not here, please watch It’s Showtime.”
“Because of you (Vice),” hirit ni Norman.
“Because of me? Well, I get that a lot but…” sinabi ni Vice habang kinikilig.
Nakipagkulitan din ang Swiss-Italian guest kasama ang iba pang mga hosts.
Sinubukan niya ring kumain ng authentic Pinoy street food kagaya ng isaw.
Kahit hindi niya maintindihan ang karamihan sa mga sinasabi ng breadwinnerables sa programa, tinulungan pa rin niya si Bela na hulaan ang totoong breadwinner na street food vendor.
Direktor lang ang kinasuhan…
VIC, WALANG SAMA NG LOOB SA MGA ARTISTA NG MOVIE NI DIREK DARRYL
Wala umanong sama ng loob si Vic Sotto sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP).
Nagsampa na kasi ng 19 kasong cyberlibel ang Eat…Bulaga! (EB!) host sa direktor na si Darryl Yap dahil nasama ang kanyang name sa trailer ng pelikula ng kontrobersiyal na direktor.
Aniya, walang sinuman mula sa produksiyon ng pelikulang TROPP ang kumonsulta o nagpaalam sa kanya tungkol sa proyekto.
Wala siyang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula at tinawag niya itong ‘trabaho lang’.
Umaasa si Vic sa suporta ng kanyang pamilya at sinabing kayang-kaya niyang harapin ang isyung ito.
Ilan sa mga tampok na bituin sa pelikula ay sina Gina Alajar, Shamaine Buencamino, Mon Confiado at Rosanna Roces, habang ginagampanan naman ni Rhed Bustamante ang papel ni Pepsi Paloma.
Samantala, hindi pa nare-review ang nasabing pelikula ng MTRCB na pinamumunuan ng anak ni Tito Sotto, si Lala Sotto.
Pagbubulgar ni Gladys Reyes na hindi sinasadyang nakasabay namin sa wake ng mister ni Dina Bonnevie the other night, “Ang alam ko, hindi pa ‘yan dumadaan sa MTRCB. Pero once na na-review na nila at binigyan ng rating na X ay baka iapela nila sa amin sa Malacañang.”
Ang aktres ay itinalaga ng Office of the President as member of the Appeals Committee of MTRCB.
Siya ang magre-represent ng tungkol sa industriya.
Dati nang MTRCB board member si Gladys noong panahon na si Senator Grace Poe ang chairwoman. At ngayon na lang siya muling nabigyan ng appointment.
Kahit konektado ang appointment ni Gladys sa MTRCB ay hindi siya sa MTRCB office nakikipag-meeting, kundi may opisina siya sa loob ng Malacañang.
Ang mga X-rated na ibinibigay ng MTRCB na hindi talaga nakakapasa sa kanilang panlasa ay puwede raw iapela sa kanilang opisina.
Kumbaga, second opinion, but if may mga hindi talaga karapat-dapat mapanood in public ay eekisan din daw nila ito at hindi na tuluyang mapapanood.
Comments