top of page
Search

Unfair daw, ‘di mag-eendorso ng artista… ROMNICK: MGA SIKAT, ‘WAG TUMAKBONG PULITIKO

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 22, 2025



Photo: Romnick Sarmenta


Walang ibobotong kandidatong artista ngayong eleksiyon ang aktor na si Romnick Sarmenta. ‘Yan ang kanyang deklarasyon sa isang mahabang post niya sa kanyang socmed (social media) account recently.


Panimula ng post ni Romnick, “Oo. Artista ako. Ito ang aking kinamulatan... apat na gulang ako ng magsimula. 


“Hindi. Hindi ko ginamit ang kahit na sino... natutunan kong mahalin ang sining na nagpalaki, at sa isang banda’y tumulong sa paghubog ng aking pagkatao.


“Marami akong nakasama at nakasalamuha. Maraming taong nakilala at nakalapitan ng loob... ang mabubuting taong nagpaalala sa ‘kin na ‘di ko kailangan magpadala sa agos ng mga hiyaw at sa kasikatan. Mga taong nagmalasakit na lumaki ako ng tama.


“Mga taong nagbahagi ng kanilang pananaw sa maraming bagay. Mga taong hinahangaan ko at minamahal dahil sa kanilang paninindigan at prinsipyo... mga bagay na may halaga sa aking puso. Marami rin sa kanila ang nawala na. Ngunit ang mga aral ng kanilang gawa ay buhay.”


Dahil daw sa kanila kaya hindi naniniwala si Romnick na dapat tumakbo for public office ang mga sikat. 


“Hindi patas ang laban... lalo na’t pondo ang pangalan. Kilala sila, ‘di alam ang pangalan ng kalaban.


“Kilala sila... oo. Pero ‘di ito batayan ng kagalingan sa pagpapaunlad ng bayan,” esplika niya.


Pagpapatuloy pa ni Romnick, “Hindi rin ako mag-eendorso ng kahit na sino. Alam ko kung sino ang mga pinili ko. Wala, walang artista sa kanila.


“May mga artistang nanungkulan sa lokal na pamamahala. Isa lang ang gagawin kong ehemplo,” aniya, at iyon daw ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.


“Si Ms. Vilma Santos. Wala akong narinig o nabalitaang hindi maganda. Bagkus, lahat ng nasasakupan n’ya sa Batangas na nakausap ko’y masaya sa kanyang panunungkulan at serbisyo.


“Gugustuhin ko bang magsilbi si Ms. Vilma Santos-Recto sa Senado? Sa taas ng paggalang at paghanga ko sa kanya bilang tao...

“Hindi.


“Ayoko s’yang mapalibutan ng mga buwitre at lobo,” pagtatapos ni Romnick.

Marami ang pumuri kay Romnick sa kanyang paniniwala at desisyon. Sey ng mga netizens…


“Childhood crush is crushing this! On point!”


“In a world full of actors turned clown politicians, choose a Romnick.”


“Proud of you and been rooting for you since you were 4, little Peping. And now that you have come of age, I’m glad that you are not tarnished by the rotten system in the industry and I’m proud of your stand in politics. We’re on the same boat. Keep on expressing your thoughts!”


Kahapon ay may kasunod na post si Romnick sa X (dating Twitter). 


Sabi ni Romnick, “Ang pagmumura ay usal ng mga kulang ang kakayahang mangusap ng wasto. Ng kawalan ng paggalang at pagsino. Ng kawalan ng hiya sa sarili at kapuwa. Simbolo ng paniniwalang nakakaangat sila sa iba. Ng kayabangan, ng kababawan. At ang pinakamalupit... ng kakulangan.”


Sey dito ng mga netizens…“100 porsiyentong tama!”


“Very on point.”


“Aaminin ko, ito ang artista na ‘di ko hinangaan sa sining, subali’t malaki ang aking respeto at paghanga sa kanya bilang mamamayang may malasakit sa bayan (heart emoji).”


May nag-request naman kay Romnick na i-translate sa English ang kanyang post, “English please….”


Ni-reply-an ito ni Romnick ng, “In short.... Cursing is the resort of the feeble-minded.”

O, akala n’yo, aatrasan kayo ni Romnick Sarmenta sa inglisan, ha? Bongga!


 

‘Di pa raw dyowa, dating pa lang…

BAGONG BF NA CAGER NI ANDREA, PINALAGAN NG KAMPO NI KYLE


NAG-REACT ang mga fans nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa socmed (social media) pagkatapos ma-link ang Kapamilya actress sa isang basketbolista.


Ayon sa aming source, nagagalit daw ang KylDrea sa balitang boyfriend na ni Andrea ang San Beda basketeer na si Samuel Fernandez.  


Hindi pa raw dyowa ni Andrea si Samuel, nagde-date-date pa lang daw ang dalawa.  


Tsika pa ng aming source, pati sa bagong manager ni Andrea na si Shirley Kuan ay ‘di rin nagkukuwento ang aktres regarding her love life. Baka raw natuto na si Andrea at gusto na lang i-keep privately ang tungkol sa kanyang love life.


Incidentally, nag-first taping day na si Andrea sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) last Friday. Sa isang random na barangay lang daw nag-shoot at hindi sa Quiapo.


Belong sa poor family si Andrea at gaganap bilang anak ni Michael de Mesa sa BQ. Habang ang bidang si Tanggol played by Coco Martin ay yayaman na.


Inihahanda na raw ang pagyaman ni Tanggol sa action serye at saka unti-unti nang pumapasok ang new cast ng BQ.


Ang isa pang “alaga” ni Shirley Kuan na si Albert Martinez ay papasok na rin sa BQ. Nakapag-taping na si Albert, pati na si Jake Cuenca.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page