top of page
Search
BULGAR

Undas Celebration, F2F na sa wakas!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 30, 2022


Pagkatapos ang dalawang taon ay maaari nang bisitahin ngayong Undas ang ating mga namayapang mahal sa buhay sa mga sementeryo.


Bagama't may mga pag-iingat pa rin tayong dapat sundin sa pagbisita, lalo na at patuloy pa rin ang pandemya, welcome development pa rin itong maituturing.


☻☻☻


Alamin natin ng maaga ang partikular na “dos and don’ts” na ipatutupad ng mga awtoridad, lalo na ang mga health protocols na paiiralin sa mga sementeryo at memorial parks.


Mabuting magbaon ng face masks at vaccination cards (kung sakali mang hingin), upang hindi na maabala sa pagpasok ng mga sementeryo at memorial parks.

At dahil idineklarang special non-working holiday ang October 31 ay mayroon tayong mas mahabang panahon upang bumisita.


Let us take advantage of this situation para maiwasan na rin ang kumpulan at siksikan sa mga pampublikong lugar.


☻☻☻


Para naman sa mga kababayan natin sa Luzon at iba pang lugar na maaaring daanan ng Bagyong “Paeng”, ay magbaon na rin tayo ng payong at iba pang pananggalang sa ulan.

Habang isinusulat natin ang kolum ay inaasahang mananalasa ngayong Undas si “Paeng”.


Hinihimok natin ang ating mga kababayan na maghanda at magdoble, tripleng ingat tayo laban sa COVID-19 at posibleng epekto ng malakas na ulan tulad ng baha at landslides.


☻☻☻


Hindi biro ang sakripisyo ng mga healthcare worker at iba pang frontliner ngayong pandemya, at sana ay isama rin natin sila sa ating mga panalangin.


Patuloy tayong mag-ingat lalo ngayong niluluwagan na ang mga health protocols. At kung maaari ay magpabakuna at magpa-booster upang lalo nating maproteksyunan ang ating sarili at mahal sa buhay.


Hiling natin ang ligtas, mapayapa at taimtim na pagdiriwang at paggunita nating lahat ng Undas.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page