ni Lolet Abania | October 26, 2021
Umabot sa 400 indibidwal mula sa mga lugar sa buong Alberta, Canada ang dumalo para saksihan ang makasaysayang paglalahad ng unang monumento ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal sa lugar nitong weekend.
Ayon sa isang news release mula sa Department of Forein Affairs (DFA), ang main feature ng nasabing monumento ay isang three-foot bust ni Dr. Rizal na obra ng kilalang Filipino sculptor na si Toym Imao ng Manila.
Ang bust o busto, rebultong anyo ni Rizal, ay nakalagay sa itaas ng isang pitong-talampakang pedestal na nababalutan ng granite at matatagpuan sa isang 36 x 38 feet spot sa Nose Creek Regional Park, kung saan sa naturang lugar ay isinasagawa ang karamihan sa Filipino community gatherings.
Naging posible ang proyektong ito sa pagtutulungan ng Philippine Consulate General (PCG), ang Airdrie City Council, ang Filipino Airdrie Association (FAA), at ang seven-man Rizal Monument Project Team (RMPT).
Ayon kay Calgary Consul General Zaldy Patron, ang statue ay inilunsad upang bigyang parangal ang Philippine heritage at kultura ng mga matitiyaga at masisipag na mga Pilipino sa Alberta.
Pinangunahan ang unveiling ceremony nina Patron, Alberta Associate Minister of Immigration and Multiculturalism Muhammad Yaseen, Airdrie Mayor Peter Brown, at FAA President Mr. Jun Martin.
Ang pagpapasinaya ng monumento ni Rizal sa Alberta, Canada, ang pinakamalaking cultural diplomacy project ng Philippine Consulate General na naitala sa ngayon.
Comentários