top of page
Search
  • BULGAR

Unang Pinoy nurse na naturukan ng COVID vaccine, nakaramdam ng side effects

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 14, 2020



Nakaranas ng ilang “very common” side effects ng pagpapabakuna ang isang Filipino nurse sa United Kingdom na naturukan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine noong Miyerkules.


Kinilala ang naturang nurse na si Leo Quijano at aniya ay marami na ring Pinoy nurses ang naturukan ng naturang bakuna.


Aniya, “So far, this is my pang-apat na araw ko na po after nag-vaccination ako ng COVID-19 vaccine. Wala naman akong nararamdaman so far.”


Saad pa ni Quijano, “A day after ng injection, nagkaroon ako ng mild body pain, tiredness, at saka mild fever. Pero, nawala rin po the next day because I took some paracetamol.”


Hinikayat din ni Quijano ang mga kapwa-Pinoy na magpabakuna kontra COVID.


Aniya, “The reason why I'm doing this interview is to spread awareness para ma-share rin po 'yung mga experiences ko para mawala po 'yung anxiety at saka agam-agam noong mga kababayan natin.


“Nakakatakot kasi marami nang nangyari before na mga reaction to a certain vaccination diyan sa atin. Pero, I bet this one so far is safe kasi pinag-aralan naman po before it becomes available to the public.”


Sa December 31 naman ang susunod na dose ng vaccine kay Quijano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page