ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 19, 2024
Photo: Hello Love, Again - KathDen
Hindi lang sa Pilipinas humataw ang pangalawang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hello, Love, Again (HLA) kundi maging sa Amerika, dahil nakapagtala ito ng kasaysayan bilang first Filipino box office film sa US.
Ayon sa ulat ng Deadline, ang KathDen movie ay kabilang sa No. 8 spot on the Top 10 movies in the US this week.
Ang HLA ay tumabo ng $2.4 million (or P140 million) sa unang linggong pagpapalabas nito sa US at ngayon lang din nangyari ito sa kasaysayan ng local film na gumawa ng pambihirang record sa Philippine showbiz.
Ang HLA na distributed by Abramorama in 248 locations across the U.S. and Canada ay sequel ng 2019 blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye (HLG) na siyang first movie together ng KathDen at kinunan ang mga eksena sa Hong Kong five years ago.
Tumabo ang KathDen movie ng P245-M sa tatlong araw nitong pagpapalabas sa halos 600 movie theaters nationwide and almost 1,000 theaters worldwide at patuloy pa ring pinipilahan on its first week.
Ayon sa ABS-CBN News, ang KathDen movie made history as the local film with the highest opening gross after it earned more than P85 million on its first day of release.
Kaya naman non-stop ang pagdalaw ng KathDen sa iba't ibang shows at platforms para magpasalamat sa pambihirang suporta sa kanilang dalawa.
“Our hearts are overflowing with so much joy. This is more than what we’ve prayed and wished for. We poured so much love into this project, and you returned that love a thousand fold. The amount of support we’ve been receiving is beyond what any of us could have imagined. Maraming salamat po,” mensahe ni Kathryn.
“I hope you guys will enjoy the film as much as you guys are going to be falling in love with the characters. I hope that after the film po ay ma-inspire po tayo, mabuhay, and do good things to people around us,” sabi naman ni Alden.
Dagdag ni Kathryn, “Ang pangako lang namin sa inyo sa pelikula na ito, puso ang ibibigay namin. I hope after watching this film, ‘yun ‘yung maramdaman n’yo. Hindi lang kina Joy and Ethan, but sa buong pelikula.”
Sa naging chat namin sa isa sa grupong National Fans Club ng KathDen na si Tita Long, matipid niyang sabi, “Halos araw-araw, parang may fiesta sa bahay nina Kathryn!”
“DASURV (deserve)!” sundot ng isa pang fan.
SA pagpirmang muli ng bagong kontrata sa ABS-CBN, inihayag ni Enrique Gil ang paggawa niya ng series sa Kapamilya sa year 2025.
“The one I am doing next is going to be a TV series. I will be back on TV,” sabi ng actor sa panayam sa kanya sa presscon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (SFTKH).
Sinabi pa ni Enrique ang dahilan kung bakit siya mismo ang co-producer sa MMFF 2024 entry niya.
“I think it’s also nice to have a little bit you know. I think more of being an artist, I think it is also exciting on my end. I think it's just growing up lang.”
Nagbahagi rin siya ng teaser sa kanyang series para malaman ng kanyang mga fans kung ano ang mae-expect nila rito.
Aniya, “We’re going to be shooting in Europe for it, for the pilot. It's going to be a rom-com na may konting action.”
Sa ngayon, sikreto pa raw kung sino ang leading lady ni Enrique sa bagong project.
Comments