ni Beth Gelena @Bulgary| September 1, 2024
Natupad na ang pangarap ni Ejay Falcon na makapagtapos ng kolehiyo. Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ipinost niya, “Finally Bachelor of Arts in Political Science Major in Local Government Administration mula sa University of Makati, Batch 2024.”
Sa isang panayam, aniya, “Everything still feels surreal to me. I never thought I’d still be able to wear a toga, go up on the stage, and get my diploma.”
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng politician-actor habang umaakyat sa stage para tanggapin ang kanyang diploma. Hindi siya makapaniwala na naka-graduate na siya, na dati ay pangarap lamang niyang makapagtapos ng kolehiyo.
Wika pa niya, “Ever since I stopped school to start providing for my family, I also stopped envisioning myself to be in this moment, to experience this incredible life milestone.”
Produkto ng Pinoy Big Brother (PBB) si Ejay, kung saan siya ang idineklarang winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.
Simula noon, nagsimula nang gumanda ang buhay ng pamilya ni Ejay. Kaliwa’t kanan noon ang kanyang projects, pero hindi lang sa pag-aartista umikot ang mundo ng aktor. Sinubukan din niyang pasukin ang pulitika at tumakbo bilang vice-governor sa Oriental Mindoro, kung saan siya ay nanalo.
Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pangarap na makapagtapos ng college degree.
Nagtapos na ang High Street (HS) Series kung saan ang bida ay si Andrea Brillantes. Very touching ang last episode ng HS nitong nakaraang Biyernes (August 30). Hindi aakalain ng mga televiewers na ang ending ay napaka-tragic para kay Sky Love Cruz (Andrea). But kudos to all the cast, ang gagaling nila.
Sey ni Andrea, “Once again, this is Sky Love Cruz, now signing off.”
Samantala, isa si Anne Curtis sa mga unang nagkomento sa performance ni Andrea sa serye.
Sey ni Anne, “Congratulations, baby girl (red heart emoji).
“Thank you for the mixed emotion from SH up to HS. An eye opener for everyone. So proud of Blythe. Amazing unforgettable experience. It touched so many people’s hearts.”
Komento naman ng isang fan, “Bakit ka namatay? Naiinis ako sa ‘yo.”
Pakli ni Blythe, “Huhuhu! Sorry na.”
Sey ng mga ibang netizens…
“Congrats, Blythe! Sobrang swak sa ‘yo ng character ng kambal, sobrang magkaibang tao sila. Salamat sa pagiging open ng mga personal and social issues ng mga teenagers and adults sa SH at HS, very realistic. I love you all, ang galing n’yong lahat.”
May nag-petition din na netizen, “Pakilagay po ‘to sa Netflix para mapanood namin ulit.”
Dahil may postpartum si Maja Salvador nang siya’y manganak, nagwo-workout ngayon ang aktres.
Nagbigay-inspirasyon daw sa kanya ang sister-in-law niya na stunning pa rin kahit apat na ang anak.
Ayon sa kanyang video habang nagdyi-gym, “My SIL & my workout buddy @yaneenunezalvarez... Love you, Ate. You’re such an inspiration to me! Grabe ka after 4 kids, oh!”
Ine-encourage naman ng mga netizens na ituloy niya ang ginagawa.
Sey nila… “Let’s gooo. Kayang-kaya, Momma!”
“Wow, akala mo naman, nagwo-workout. Pero baka ma-inspire to start.”
“Push n’yo ‘yan, Ate Yanee and Mama Maj.”
“Let’s gooooo, Mommahhhh.”
Pero may mga kumokontra rin sa pagwo-workout ng aktres.
Komento ng isang netizen, “Ingat ka, Maja. ‘Wag mong biglain at masama ‘yan, wala ka pang isang taon na nanganak.”
Reaksiyon naman ng isang commenter dito, “Hindi naman n’ya gagawin ‘yan kung walang confirmation ng OB-GYN n’ya.”
“Oo nga, ‘di rin okey ‘yan lalo na kakapanganak lang n’ya kahit pa payo ng doktor, kasi mga nanay at lola noon, ‘yan talaga ang ayaw na ayaw nila.”
Sabagay, iyan ang kasabihan noon ng matatanda. Wala namang masama kung susundin dahil karamihan ng mga inang bagong panganak ay sinusunod ang kasabihan ng mga matatanda noong unang panahon, ewan na lang ngayon.
Comments