top of page
Search
BULGAR

Unang linggo ng Alert Level 1... Walang pagtaas ng COVID-19 infections – DOH

ni Lolet Abania | March 9, 2022



Walang pagtaas ng impeksyon ng COVID-19 simula nang ang National Capital Region (NCR) at higit 30 iba pang lugar sa bansa ay isinailalim sa Alert Level 1, ayon sa Department of Health (DOH).


“At present, we have not seen any increase in COVID-19 cases since we have implemented Alert Level 1 in several areas in the country,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Viber message nitong Martes.


Tiniyak din ni Vergeire sa publiko na ang national government ay mahigpit na mino-monitor ang mga galaw ng mga indibidwal upang masigurong sumusunod pa rin ang lahat sa minimum health protocols.


“Since the implementation of Alert Level 1, an increase in the mobility of people has been expected given that employers have implemented 100% workforce capacity, and establishments can now operate in their full capacities as well,” ani Vergeire.


“The government strictly monitors the mobility of the public with incessant reminders on adherence to minimum public health standards as well as the national vaccination drive for those eligible to get inoculated,” dagdag pa ng opisyal.


Matatandaan na ang NCR at 38 pang mga lugar ay isinailalim sa Alert Level 1, ang pinakamababang alert level system sa bansa, mula Marso 1 hanggang 15, 2022.


Sa ilalim ng Alert Level 1, ang intrazonal at interzonal travel ay pinapayagan na anuman ang edad at may mga comorbidities.


Gayundin, lahat ng establisimyento, mga indibidwal, o aktibidad, ay pinapayagang mag-operate, magtrabaho, o isagawa ang full on-site o venue/seating capacity habang patuloy na ipinatutupad ang minimum public health standards.

0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page