top of page
Search

Unang laban pa lang… ANAK NI PACQUIAO NA SI MICHAEL, DUMUGO ANG ILONG SA BOXING, UMAYAW NA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 16, 2022



Excited at nag-aabang na ang mga fans and supporters ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa guesting nito sa Running Man Korea. Tiyak na kakaiba ang magiging exposure rito ni Pacquiao at panonoorin ng kanyang mga tagahanga sa USA, Canada, Australia, Thailand, Japan, Saudi atbp. bansa.


Nasa Korea ngayon si Manny Pacquiao kasama ang misis na si Jinkee. Magge-guest muna si Pacman sa programang Knowing Bros kasabay ni Sandara Park.


Bongga ang pagsasamang ito ng Pambansang Kamao at ng Pambansang Krung-Krung!


Still on Pacquiao, nabalitang ayaw nang mag-boxing ng anak niyang si Michael matapos ang kanyang amateur fight noong Oct. 9 sa BF Homes Gym sa Parañaque. Dumugo ang ilong ni Michael Pacquiao dahil sa straight jab ng kanyang kalaban.


Kaya sa interview ni Dyan Castillejo, sinabi ni Michael na hindi na siya tutuloy sa kanyang boxing career. Sa musika na lang daw siya lilinya. Ang kanyang Kuya Jimuel na lang ang magpapatuloy sa boxing.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page