ni Lolet Abania | November 8, 2021
Naitala ang unang kaso ng B.1.617.1 variant ng COVID-19 sa bansa kung saan na-detect sa Floridablanca, Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Sa isang press conference, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang coronavirus variant na dating kilala sa tawag na Kappa ay kasalukuyang klinasipika bilang isang variant under monitoring ng World Health Organization (WHO).
“The first case of the B.1.617.1 variant is a local case from in Floridablanca, Pampanga.
The case is a 32-year-old male that had mild disease severity and tagged as recovered,” sabi ni Vergeire.
Nang unang makolekta ang sample nito noong Hunyo, ang variant ay kinokonsidera pa bilang isang variant of interest ng WHO.
“Further investigation is being done by our regional epidemiology and surveillance unit in order to gather more information on this case, and there is strict monitoring of this case in the community,” paliwanag ni Vergeire.
Ang naturang variant ay pinakakaraniwan sa India na nasa 69%.
Komentarji