ni Lolet Abania | November 30, 2021
Kinumpirma ng bansang Japan na nakapagtala na sila ng unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19, ayon sa report ng Kyodo news agency nitong Martes na batay sa hindi nakilalang government sources.
Agad namang isinara ng Japan ang kanilang borders sa mga foreigners ngayong Martes ng tinatayang isang buwan, isa sa pinakamahigpit na measures na ipinatupad sa buong mundo, para mapigilan ang pagpasok ng Omicron, kung saan na-detect kamakailan sa southern Africa at idineklarang isang “variant of concern” ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay Health Minister Shigeyuki Goto nitong Lunes na isang traveler mula sa Namibia ang nagpositibo sa test sa coronavirus na nasa airport, habang kinailangang magsagawa pa rito ng mga tests para malaman kung ito ay mula naman sa bagong variant.
Comments