ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 23, 2024
Photo: Representation
Kinumpirma ng mga opisyal ng kalusugan nitong Biyernes, ang bird flu sa isang bata sa California, na siyang unang naiulat na kaso sa isang batang Amerikano.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, mayroon ang bata ng banayad na sintomas, binigyan ng antiviral na gamot, at nagpapagaling na sinabi ng mga opisyal ng estado, na pumapasok ang bata sa daycare at nakatira sa Alameda County, kabilang ang Oakland at mga kalapit na lugar, ngunit wala nang ibang detalye na ibinigay.
Ayon sa CDC, nagdala ang impeksyon ng kabuuang bilang na 55, ng mga naiulat na kaso ng bird flu sa U.S. ngayong taon, kabilang na ang 29 sa California.
Karamihan sa mga ito ay mga manggagawa sa farm na nagpositibo na may banayad na sintomas.
Sinabi ng mga opisyal na iniimbestigahan nila kung paano nahawa ang bata. Walang ebidensya na kumalat ang bird flu mula sa bata patungo sa ibang tao.
Comments