top of page
Search

Unang “cancer hospital” sa ‘Pinas, aprubado

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 16, 2023




Nilagdaan ang isang kasunduan upang itayo ang kauna-unahang “cancer hospital” sa Pilipinas sa kasagsagan ng pakikilahok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ngayong Huwebes.


Sa San Francisco, California ginanap ang APEC Summit kung saan nagkasundo ang AC Health at Varian Medical Systems para pirmahan ang kasunduan.


“The initiative is a vital stride in the fight against cancer, and it reflects the Philippines’ growing potential as a leading healthcare destination in Asia,” pahayag ni Marcos.


Sa pamamagitan ng partnership, itatatayo ng AC Health ang Healthway Cancer Care Hospital sa Pilipinas na magiging isang network ng oncology clinics sa Metro Manila na magbibigay ng komprehensibong pagsugpo sa cancer gamit ang mga advanced technology ng Varian.


Kabilang din sa mga lumagda sa kasunduan sina Jaime Augusto Zobel de Ayala ng Ayala Corp., AC Health CEO and President Paolo Borromeo, Varian Philippines President and Managing Director Heinz-Michael Horst Schmermer, at Varian’s Advanced Oncology Solutions Vice President Chuck Lindley.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page