top of page
Search
BULGAR

Unahin ang problema sa presyo ng bilihin, Con-Ass tsaka na

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | February 16, 2023



Umugong muli ang usapin tungkol sa Charter Change matapos maghain sa Senado ng isang resolution na nagnanais amyendahan ang ating 1987 Constitution sa pamamagitan ng constituent assembly (Con-Ass).


Naniniwala ang inyong lingkod na hindi prayoridad ang Con-Ass dahil kung pag-uusapan ang economic provisions ng ating Konstitusyon, marami na tayong naipasang batas pagdating sa economic liberalization at global competitiveness.


Ilan lamang dito ay ang Public Service Act (PSA), Retail Trade Liberalization Act at ang Foreign Investments Act.


Nasasaklaw na ng mga batas na ito ang mga kakulangan sa probisyon sa Konstitusyon at sagot sa mga isyu ng foreign equity limitation sa utilities, power, telecoms, transport at aviation, infrastructure, at iba pang sektor.


Naniniwala tayo na sapat na ang mga batas na ito para tulungan tayong bumangon mula sa epekto ng pandemya at tuluyang sumigla ang ating ekonomiya.


☻☻☻


Masyadong divisive ang charter change at ang mahalagang pagtuunan ng pansin ngayon ang mga isyu na direktang nakakabit sa sikmura tulad ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga problema sa agrikultura.


Tutukan din natin ang health sector at bigyang-pansin ‘yung mga isyu sa marginalized sectors kagaya ng ating mga magsasaka't mamamalakaya.


Mahaba-haba pa ang listahan ng mga problema natin na dapat ayusin at kung priorities lang naman ang pag-uusapan, ang usapin ng Charter Change ay medyo lihis sa kumakalam na sikmura— hindi kasama ang Con-Ass sa ulam ng bawat pamilyang Pilipino.


☻☻☻


Bukod sa Con-Ass, pinag-uusapan din ngayon ang pag-ratipika ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement (RCEP) na naglalayong mawala ang barriers and restrictions pagdating sa imported at exported na mga produkto.


Bagama't maganda ang intensyon nito, naniniwala tayo na hindi ito dapat madaliin.


Kailangan nating pakinggan ang mga isyung kakaharapin ng mga essential sectors.


Kailangang mahimay talaga ang mga katanungan at mapaghandaan din ng mga ahensya at ibang sektor ang pagpapatupad nito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page