top of page

Umiyak sa hearing para kay Du30… KA LEODY KAY SEN. ROBIN: BUMALIK KA NA LANG SA PAG-AARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 14, 2025



Photo: Ka Leody De Guzman at Robin Padilla - FB


Nakabalik na si Senator Robin Padilla mula sa pagbisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.  


Binisita ng senador si FPRRD dahil gusto raw niya itong kausapin kung saan ang former president ang chairman ng kanilang partido, ang Partido Demokratiko Pilipino at ang aktor-pulitiko naman ang president ng nasabing partido.  


Um-attend si Robin ng Senate inquiry na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos tungkol sa pag-aresto kay Duterte.  


Hindi napigilan ni Robin ang mapaiyak habang ongoing ang hearing na nakakuha ng attention ng mga taong naroroon.  


Isa na sa very vocal na nag-react sa reaction ng senador ay si Ka Leody de Guzman, isang social labor rights activist na tumakbo ring presidente noong 2022 pero natalo ni Pres. Bongbong Marcos.  


Sa Facebook (FB) post ni Ka Leody ay pinuna niya ang pag-iyak ni Robin.  

Aniya, “ANO 'TONG INIIYAK NI ROBIN PADILLA?  


“Ginagastusan ng taumbayan ang walang saysay na Senate hearing ni Imee Marcos para lang panooring umiyak si Robin Padilla. Kung ganyan lang din ay bumalik na lang siya sa pag-aartista. Ilang linggo um-absent ‘tong si Robin para magbakasyon sa Hague at pag-uwi lang sa Pilipinas ang una niyang gagawin ay iiyak?  


“Akala ko ba, ‘Aksyon hindi drama’? Sayang ang buwis ng taumbayan sa mga ulupong na ito.  


“‘Wag na tayo magluklok ng mga artista, boksingero at elitista. Panahon na para suportahan ang mga kandidato na magsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.  


May nagtanggol naman para sa mga artistang pumasok sa mundo ng pulitika.  

Aniya, “Ka Leody, kung ikaw ang alternatibo, sana naman, may napatunayan ka na bukod sa pa-cool na soundbites at porma ng aktibista. Hindi lahat ng artista ay walang silbi, at hindi rin lahat ng self-proclaimed ‘para sa masa’ ay tunay na naglilingkod. Ang problema, mas madaldal pa kaysa kumikilos. Kung may mali si Robin, sabihan ng maayos — pero ‘wag kang magmalinis na parang ikaw lang ang may karapatang magserbisyo. Baka nga mas may ambag pa ‘yung artista kaysa sa mga taong puro rally, pero wala namang batas na naisulong o proyekto para sa mahihirap.”  


May nagbigay naman ng payo sa aktor-pulitiko.  

Sey nito, “‘Wag mo iyakan, Sen. Robin. Itama mo ang batas ng Pilipinas at ipaglaban ang tama at karapatan mo bilang mambabatas.”


 

Nakisimpatya raw kay Dennis… JANNO, TINAWAG NA ‘ENABLER’, MINURA ANG MGA BASHERS


Nag-react si Janno Gibbs sa post ni Gene Padilla tungkol sa kasal ni Claudia Barretto.  

Ipinagtanggol ni Gene ang kapatid na si Dennis Padilla regarding sa ginawa lang umanong bisita ang komedyante sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto.  


Pagbabahagi ni Gene, “Ngayon lang po ako magsasalita. By 1 PM nasa church na po ako galing Bulacan going to Alabang, si mama po namin, 5 AM gumising na excited, same kay Kuya Dennis Padilla para sa kasal ng anak niya, ngayon lang ako naka-witness ng kasal na hindi part ng program ang ama ng bride sa aga namin du’n na nandu’n mga event organizer wala man lang nagsabi na ‘di s’ya part ng program… 


“‘Di kasama sa entourage na maglalakad sa gitna papuntang harapan ng altar, nagtanong kami kung saan uupo ang nanay namin, ang sabi kahit saan du’n at ‘yung ama du’n na lang DAW tumabi sa mga ninong... kaya kami ni Kuya Dennis, pumunta na lamang sa likuran... 


“Napaluha at napaiyak si Kuya sa mga nangyari, kaya sabi ko, umuwi na tayo after ng simbahan at pa-picture na lang sa ikinasal. Naawa rin ako sa nanay ko kasi naiyak na rin, naramdaman ko ‘yung sakit na naramdaman ng kapatid at nanay ko dahil ama rin ako…  


“Puro kayo karangyaan at kasikatan, sa inyo na lahat ‘yan, sanay kami sa hirap at ‘di talaga kami nababagay sa inyo.


“Dennis Dominguez Padilla… ‘di pala father of the BRIDE! Guest of the BRIDE!” 

Nag-iwan ng komento ang singer na si Janno na tatlong crying emojis na nagpapakita ng kanyang simpatya para sa kaibigang si Dennis.  


Prangka niyang sinagot ang mga commenters. Ang komento ng singer ay nakatanggap ng “enabler” remarks, kaya nag-publish si Janno ng isang matinding sagot.  


Prangkang sagot ng singer, “Mga puta** in*. Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na? Hindi ko siya ipinagtatanggol, mga ul*l. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga t*nga.”


 

NAGBIGAY-PUGAY si Jericho Rosales para sa namayapang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang Mamita ng girlfriend na si Janine Gutierrez.  


Sa Instagram (IG) ng aktor ay ibinahagi niya ang isang video ng kanyang ina habang kinakanta ang Ang Pipit na isa sa mga awitin ni Pilita.  


Sey ni Echo, “(white heart emoji) and big hugs to the family of a legendary and most beloved singer of my mother. Her songs went beyond memory.


“It was a great honor to have met her. Maraming-maraming salamat po.”  


Wala pang makapagsabi kung nakabalik na ng Manila ang aktor para damayan ang girlfriend dahil kasalukuyang nagsu-shoot si Echo ng Quezon movie outside Metro Manila.  


Pero ang komunikasyon nina Echo at Janine ay still strong. Katunayan, bago pa ini-announce ni Janine na pumanaw na ang kanyang Mamita ay nakatanggap pa siya ng bouquet of red roses mula sa boyfriend, tanda na mahal na mahal niya ang apo ni Pilita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page