top of page
Search
BULGAR

Umatras sa interbyu ni Cristy… DIEGO, NATAKOT MAGSALITA NA MAY ANAK NA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 8, 2023



Umatras ang aktor na si Diego Loyzaga sa live interview niya kina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang Cristy Ferminute kahapon nang tanghali sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM.


Nagtataka ang mahigit 3,000 live viewers ng CFM nu'ng mga oras na iyon kung bakit walang Diego Loyzaga na umere gayung kasama siya sa teaser ng programa.


Ayon sa voice-over ni ‘Nay Cristy, “Rebelasyon at pinagpipiyestahan, Diego Loyzaga, proud tatay na?”


Kaya maraming nag-abang dito, lalo’t naging banner story ito ng isang tabloid pero hindi naman mahanap ang istorya sa pahina.


Base sa pahayag ni ‘Nay Cristy sa pag-ere ng CFM, “Bago po ang lahat, mga kapatid, meron po muna tayong napakaespesyal na panauhin, ‘yung title ng pelikula nila ni Julia Barreto, Will You Be My Ex, mga kapatid, i-welcome po natin, Diego Loyzaga! Magandang tanghali sa ‘yo, Diego?”


“Ay, parang nawala raw yata si Diego sa ere,” sabi kaagad ni Romel Chika.


Sundot ng beteranang manunulat at online host, “Ay, nawawala? Okay, maaaring may problema sa internet. Hindi bale, marami pa tayong pagkukuwentuhan pa, i-cue n’yo lang kami ‘pag nandiyan na."


Pero natapos na ang CFM, walang Diego Loyzaga na umere.


May nakausap kaming taga-Viva na ang dahilan pala ng guesting ng aktor sa programa nina ‘Nay Cristy at Romel Chika ay para i-promote ang pelikula nila ni Julia Barretto na Will You Be My Ex na mapapanood na sa mga sinehan sa Hunyo 21 mula sa direksiyon ni Real Florido. Kasama rin si Bea Binene sa cast.


Nabanggit pa sa amin na baka raw hindi pa handang magsalita o magkuwento si Diego tungkol sa sinasabing anak niya at nagulat sa teaser ng CFM.


Puwede naman niyang ipakiusap na hindi muna siya magkukuwento tungkol sa anak kina Nanay Cristy at Romel Chika, hindi ‘yung basta na lang siya nawala sa ere o umatras siya.


Anyway, abangan na lang ngayong tanghali, baka tuloy na ang guesting ni Diego sa CFM.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page