ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 13, 2024
Photo: Maris Racal at Rico Blanco - Interview with Dra. Vicki Belo - IG Rico Blanco
Ang kanyang trabaho ang pinagbuntunan ni Maris Racal habang nagmu-move-on sa breakup nila ng former frontman ng Rivermaya na si Rico Blanco.
Matatandaang emosyonal na kinumpirma ni Maris sa isang presscon noong July ang breakup nila ni Rico.
Sa latest vlog ni Vicki Belo ay featured si Maris at isa sa mga naitanong sa aktres ay "How to handle a breakup?"
Sey ni Maris, “Thankful ako sa work because nada-divert ang attention ko. If wala siguro akong work, I don’t know (kung) saan na ako ngayon. But right now, work makes me happy.”
Ito rin ang tip niya sa mga taong may mabigat na pinagdaraanan ngayon.
“To everyone who’s going through tough times, just focus on things that are happening in front of you and what you’re feeling is very valid. It’s okay to be sad, it’s okay to feel lost, it’s okay to feel a lot of things, and it’s okay to question yourself.
“But ‘yung importante is like ‘yung positive words and positive people around you. So, work kung may work ka, focus on it and give your 100%. And malay mo, like months later, you’ll be happy and be normal again,” ang advice ni Maris Racal.
Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman nina Amy Perez at Winnie Cordero sa muling pagbabalik nila sa TeleRadyo Serbisyo 630 DWPM (dating DZMM ng ABS-CBN).
Ayon kay T'yang Amy sa ginanap na thanksgiving media conference kahapon, masaya sila dahil nakabalik na muli ang TeleRadyo sa ere at malungkot naman dahil wala na ang mga dating kasamahan sa DZMM na nawalan ng trabaho nang mawalan ng franchise ang network.
“Masaya na meron ding pressure na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon.
“So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM.
“So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” sey ni T'yang Amy.
Dagdag pa niya, “So, ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila and salamat dahil alam namin kung gaano nila minahal ang istasyon, kung gaano sila ka-dedicated. ‘Yun din ‘yung mga inspirasyon na dala namin ngayon as we move forward with DWPM.”
Sabi naman ni Winnie, bittersweet din ang kanyang pakiramdam.
“Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, DZMM forever. Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping na old DZMM would come back,” sabi ni Winnie.
Aminado naman siyang medyo malabo na ito sa ngayon, pero mananatili naman daw sa kanyang alaala ang magagandang memories nila sa DZMM.
“Siyempre, katulad ng usad ng panahon, eh, thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat, napili. Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasama namin noong araw pa,” wika ni Winnie.
Dalawa ang shows ni Winnie sa TeleRadyo 630 — ang public service program na Tatak Serbisyo na aired from Mondays to Fridays at 10:30 AM at ang Win Today every Saturday at 10 AM.
Ang Ako ‘To, Si T'yang Amy naman ang kay Amy, also a public service show about mental health naman. Umeere ito ng Mondays, Tuesdays, and Thursdays at 3 PM.
Kommentare