ni Thea Janica Teh | November 8, 2020
Isang low pressure area (LPA) ang namataan ngayong Linggo sa silangang bahagi ng Surigao del Sur at maaaring maging bagyong papangalanang Ulysses sa susunod na 24-36 oras, ayon sa PAGASA.
Sa weather advisory na inilabas kaninang alas-4 ng hapon, huling nakita ang LPA sa 920 kilometrong silangang bahagi ng Hinatuan.
Ito ay maaaring pumunta sa north-northwestward ng Lunes nang gabi at dadaan mula sa northwestward hanggang west-northwestward ng Central-Southern Luzon area.
Sa ngayon ay wala pa itong naaapektuhan sa bansa ngunit, magdadala ng pag-ulan sa eastern section ng Luzon at Visayas simula Lunes nang hapon.
Samantala, makararanas pa rin ng pag-ulan ang Palawan kasama ang Calamian at Kalayaan island sa darating na 24 oras dahil sa Bagyong Tonyo.
Bukod pa rito, makararanas din ng pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Aurora at Metro Manila dahil sa amihan.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko sa posibleng landslide at pagbaha dahil sa ulan.
תגובות