ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021
Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Fabian bandang alas-11:00 kagabi ngunit ayon sa PAGASA, patuloy na nakararanas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa sa nakalipas na 24 oras dahil sa Southwest Monsoon.
Huling namataan ang sentro ng mata ng Bagyong Fabian sa 640 km North-Northeast ng Itbayat, Batanes sa labas ng PAR na may lakas ng hangin na umaabot sa 140 km/h at pagbugsong umaabot sa 170 km/h.
Wala na ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga lugar sa bansa.
Samantala, patuloy na pinalalakas ng Bagyong Fabian ang Southwest Monsoon kaya makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, ilang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at ilang bahagi ng Western Visayas.
Comments