ni Angela Fernando - Trainee @News | December 12, 2023
Kinondena ng Britain nu’ng Lunes ang mga mapanganib na kilos ng China sa mga barko ng 'Pinas sa West Philippine Sea kamakailan.
Ayon sa foreign office, "The UK opposes any action which raises tensions, including harassment, unsafe conduct and intimidation tactics which increase the risk of miscalculation and threaten regional peace and stability."
Binigyang-diin din sa pahayag na ang dalawang bansa ay dapat sumunod sa Arbitral Award proceedings, na may legal na bisa para sa parehong China at 'Pinas.
Mariin namang tinutulan ng Beijing ang sinabi ng UK at tinawag itong "groundless accusations," ayon sa isang tagapagsalita ng Chinese Embassy sa London.
Ayon sa pahayag ng Beijing na naka-post sa website ng embassy, "We urge the British side to respect China's territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea, stop stirring up trouble and sowing discord."
Comments