ni Angela Fernando - Trainee @News | December 17, 2023
Nagpahayag si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Linggo ng paniniwalang magkakaroon ng mas malinaw na kinabukasan dahil sa 50 taong maayos na relasyon sa bansang Japan at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Nagpasalamat si Marcos sa pamahalaan ng Japan, sa kanyang partisipasyon sa ikalawang sesyon ng ASEAN-Japan Commemorative Summit, sa kanilang dedikasyon at suporta para sa mga inisyatibong nagtataguyod ng maayos na relasyon at pagkakaibigan sa mga mamamayan ng ASEAN at Japan.
Saad n’ya, “We look forward to ASEAN’s and Japan’s continued partnership beyond the 50th year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. We have done much in the previous 50 years. I believe the future can even be brighter.”
Umaasa din ang Presidente na magpapatuloy ang Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS), sa programang naging pangunahing bahagi sa pagtataguyod ng panghabambuhay na kaugnayan ng pagkakaibigan at pagkakaisa sa pagitan ng mga kabataan sa ASEAN at Japan.
Comments