ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 29, 2024
Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Australia para sa pagtugon at paglutas sa 'geopolitical polarities' at sa mga kompetisyon para sa kapangyarihan na maaaring makasama sa kapayapaan sa rehiyon.
Ipinahayag ito ni Marcos noong nagsalita siya sa Parliament of Australia in Canberra nitong Huwebes ng umaga.
"Geopolitical polarities and strategic competitions threaten our hard-won peace even as we remain beset by unresolved inequities and inequalities within and amongst nations," ani Marcos.
"Powerful and transformative technologies can destabilize our political and social order, climate change threatens our very existence. These tectonic shifts are acutely felt in the Indo-Pacific," dagdag niya.
Ayon kay Marcos, dapat magkaisa ang dalawang bansa upang labanan ang mga pagtatangkang pabagsakin ang batas at kapayapaan na itinatag mula pa noong World War II.
"It has become crucial for us now to envision the shape, the breadth, and the depth of our strategic partnership and how it must move forward as we weather the storms of global volatility," paliwanag niya.
"This is why our strategic partnership has grown more important than ever. We must reinforce each other's strengths... We must oppose actions that clearly denigrate the rule of law," dagdag niya.
Bumisita si Marcos sa Canberra para sa two-day State Visit na paanyaya ng pamahalaan ng Australia.
Comments