ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 4, 2025
Photo: Eugene Domingo - IG
May mga kumukuwestiyon naman sa pagkakasama ni Kathryn Bernardo bilang hurado sa nagbabalik na Pilipinas Got Talent (PGT).
Kesyo hindi ito magaling na singer, kaya’t mayroon daw na mas higit pa rito gaya ni Sarah Geronimo, o ‘yung nanggaling din sa reality search na sumikat.
Siyempre, to the rescue ang mga supporters ng bagong superstar at box office queen dahil hindi nga naman singing contest lang ang PGT.
Then bigla ring sinabi ng mga ito na kahit isa rin daw sa mga judges ngayon ng PGT ay walang legit singer na matatawag mula kay Sir Freddie Garcia, Eugene Domingo at Donny Pangilinan.
At kahit noon pa man daw time nina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas, Angel Locsin o Robin Padilla, walang legit na singer sa kanila pero nakatuklas sila ng mahuhusay na singers at sumikat sa industriya.
Ang dapat daw pansinin o kuwestiyunin ng mga netizens ay ang pagtawag ng “Comedian for All Seasons” kay Uge dahil meron umanong mas deserving sa title na ito na never nawala bilang komedyante sa showbiz.
Aguy, sinetch naman kaya ito?
Dahil nag-viral nga at pinag-usapan bilang sa isang sikat na noontime show ito nangyari with no less than Meme Vice Ganda as the host, kunwa-kunwaring naalarma ang mga nasa posisyon.
Ang tinutukoy nga natin ay ang naging honest answer ng isang Sexy Babe candidate na umaming wala siyang awareness man lang sa Comelec.
Mahirap paniwalaan kung ang mga nagkalat na political propaganda sa multimedia and non-media ang pag-uusapan, pero hindi naman siguro gusto ng kalahok na nagmukha siyang boba sa national TV sa tinuran niya, ‘noh!
Dahil nga si Meme Vice Ganda ang na-shock at nagbigay ng kanyang one centavo opinion on the matter, heto at balitang may mga mambabatas umano na biglang kinakalampag ang Comelec, ang DepEd at iba pang ahensiya ng gobyerno dahil obvious na raw ang pag-deteriorate ng social consciousness and in general ay “talino” ng mga tao sa bansang ito.
Naku po, sa Pinoy Henyo segment nga ng Eat…Bulaga! (EB!) ay nagkalat din ang mga kalahok na tila hindi alam kung nasaan ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Or hindi nila ma-decipher ang difference ng “hindi at oo” na sagot dahil kahit sinagot na ng “hindi o oo” ay ipinaglalaban pa rin nang paulit-ulit ang mga maling nasabi na.
Nakapagtataka pa ba ang mga ganyan kung sa mga mismong hearing in aid of legislation, mapa-Congress o Senado ay patok na patok ang mga kagayang eksena?
Teka lang, bigla ko tuloy naalala ‘yung viral answer ng isang beauty contestant sa isang pageant sa Tarlac (supposedly ay lugar ng mga Aquino, et. al.), na ipinae-explain ‘yung hashtag na vocational schools. Proud na proud pa si girl sa pagsagot at pagkonek ng naturang hashtag sa mga salitang “vocalization at voice”.
Naku po!
Nakakaantok kumanta…
MOIRA, IPINA-BANNED DAW SA MUSICAL TV SHOW
Mukhang wala talagang gustong maniwala o kumampi man lang kay Moira dahil despite her effort to explain, pinagtawanan pa ito at lalong na-bash.
Tungkol nga ito sa naging paliwanag niyang ‘fake news’ umano ‘yung balita tungkol sa binato siya ng mineral water bottle sa isang event.
Hindi nga raw ‘yun ibinato sa kanya kundi nahulog lang mula sa mas mataas na floor ng isang mall kung saan nga siya nag-perform.
“Naku, magtigil s’ya, kahit ulit-ulitin mong panoorin ang viral video, iba ang porma ng nahulog sa ibinato, ‘noh?” sigaw ng netizen.
May mga nagsabi namang gigimik na lang din daw si Moira, hindi pa inayos.
Kawawa talaga ang singer dahil mas higit na nang-iinsulto ang hanash ng iba na nang dahil daw sa nakakaantok ngang kanta at boses nito, baka nga raw nakatulog ‘yung may hawak ng mineral water kaya nabitawan at nahulog.
Hay, grabe pero kapag laging may ganito sa performance ni Moira dela Torre, saan kaya aabot ang career niya lalo’t balita ring diumano’y “banned o ipina-ban” siya sa isang TV show na may kantahan at sayawan?
MEDYO na-sad kami bilang fan ni Demi Moore dahil sa katatapos na OSCARS nga ay na-lotlot (talo) ito as Best Actress.
Siya talaga ang pinag-uusapan at front runner sa kategoryang ito, lalo’t sa mga earlier minor award-giving bodies (Golden Globes, SAG etc.) ay rumampa ang husay niya para sa movie na The Substance (TS).
Pero ‘yun nga, sa Oscars ay tinalo siya ng isang higit na bata (in her early 20s) na si Mikey Madison for Anora.
Ang sey ng marami, naging kill joy na naman daw ang Oscars dahil sinira na naman nila ang trending na rahrahrah para kay Demi na in her 60s ay first time sanang mananalo ng Oscar.
Grabe pero nagmemelangkolya pa kami sa pakikinig ng mga favorite songs namin from Roberta Flack na gaya ni Gene Hackman ay yumao na rin last February at nagbigay ng sadness sa amin. Mga fave rin kaya namin sila at naging parte rin sila ng youth namin.
Ay, grabe, ang tanda na pala namin. Hahaha!
Comments