top of page
Search
BULGAR

Ugat ng brownout sa Luzon, natunton na — NGCP

ni BRT | May 13, 2023




Ang hindi inaasahang pagkawala ng 2 unit ng isang malaking power plant ang puno’t dulo ng pagkawala ng kuryente sa Luzon noong Mayo 8, 2023, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).


Bagama’t naunang nagsalita ang Bolo-Masinloc 230kV Line 2, ito ay mayroon N-1 contingency na nangangahulugang nag-o-operate ito nang may redundancy.


Nang mag-trip ang Line 2, ang load na dala nito ay awtomatikong nailipat sa Line 1. Alinman sa Line 1 o 2 ay may kakayahang ihatid ang kabuuang load para sa Bolo-Masinloc 230kV facility kahit anong oras.


Dagdag ng NGCP, bago ang biglaang pagbitaw ng power plant, nagkaroon din ng pagpalya ng mga planta sa Luzon na wala sa napagkasunduang schedule.


Ang mga hindi planadong outages ay labag sa Grid Operating and Maintenance Program na pinagkasunduan ng NGCP at power plants at aprubado ng Department of Energy.


Tiniyak ng NGCP na kukumpletuhin ang malalaking transmission projects sa loob ng mga darating na buwan upang mapalakas ang transmission system at mapagbuti ang suporta sa power system.


Siniguro din ng NGCP sa publiko at sa lahat ng stakeholder na ginagawa nito ang lahat ng kanilang makakaya sa larangan ng transmisyon upang makapagbigay ng solusyon at maiwasan ang kahalintulad na insidente


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page