ni Mylene Alfonso | May 3, 2023
Inihayag ni U.S. President Joseph Biden nitong Lunes na magpapadala siya ng "first of its kind" presidential trade and investment mission sa Pilipinas.
Ginawa ni Biden ang pahayag kasunod ng kanyang bilateral na pagpupulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington.
Binanggit ng pinuno ng US ang "matibay na partnership" ng Manila at Washington at malalim na pagkakaibigan
Nakatuon din si Biden na palakasin ang suporta ng Amerika sa malawak na hanay ng mga isyu, kabilang ang pagpapagaan ng pagbabago ng klima at ekonomiya.
Pinasalamatan ng pinuno ng Pilipinas si Biden para sa tulong ng Amerika at hinahangad na palakasin ang mga alyansa at pakikipagtulungan sa harap ng bagong ekonomiya na kinakaharap pagkatapos ng pandemya.
Kabilang sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa pinalawak na bilateral meeting ay sina National Security Adviser Eduardo Ano; Defense Sec. Carlito Galvez, Jr.; Environment and Natural Resources Sec. Antonia Yulo Loyzaga; Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual; Information and Communications Technology Se. Ivan John Uy; Justice Sec. Jesus Crispin Remulla; Migrant Workers Department Sec. Maria Susana “Toots” Ople at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.
Comments