ni Ambet Nabus @Let's See | August 21, 2024
Granting na nang-iinis o nananadya ang nanay ni Carlos Yulo (Caloy) sa pag-post nito ng ‘happy moment’ nila ng pamilya (minus Caloy) habang namamasyal at kumakain sa resto, dapat na ba siyang awayin ng madla?
Ang nakakalungkot kasi sa mga ganitong pangyayari ay ‘yung mukhang kapwa na nila ine-enjoy ang limelight kahit pa nga nagmumukha na silang naggagamitan for fame and money?
Ito naman kasing si Caloy ay parang ‘manhid’ o ‘di kaya naman ay stubborn din na hindi nakikinig sa mga nagpapayo sa kanya.
Dati, ang nanay lang niya ang may mga posts sa socmed (social media). Ngayon ay tila ang buong pamilya na niya mula sa ama, lolo at lola at mga kapatid — na mahuhusay din palang gymnasts — ang nagpapakilala sa public.
Hindi man nila nine-nega si Caloy, pero 'ika nga, sa mga posts nilang bukod-tanging ito ang wala sa picture o mga ganapan nila, siyempre, ang bawat makakakita ay mag-iisip.
Nang-iinggit daw ba o ipinapakita lang kay Carlos Yulo na kaya nilang maging masaya, kahit wala ang Olympic medalist?
KARAMIHAN sa mga reaksiyon ng mga nakakapanood ng ongoing Senate hearing in aid of legislation sa kaso ni Sandro Muhlach ay “amazed” sa tapang ni Sen. Jinggoy Estrada.
Masyado umanong matapang magtanong ang senador na kapag hindi raw nito gusto ang naririnig na sagot ay makikita sa mukha nito ang pagkainis o galit, to the point na nagmumura na ito o nagbabanta ng pag-alis sa hearing.
Marami rin ang nagtatanong kung bakit umaastang huwes o korte ang kaparaanang ito sa Senado, gayung may higit na nararapat na venue for such a case?
Ang ending tuloy, nakakakuha ng simpatya ang mga alleged perpetrators ni Sandro dahil nagmumukha silang “api” o inaalisan ng kanilang due rights sa tamang korte dahil sa tila pagmamadali ni Sen. Jinggoy na mabigyan ng justice ang sinasabing biktima na si Sandro.
Hayun, na-cite in contempt na nga si Jojo Nones dahil umano sa pagsisinungaling nito sa naturang hearing, habang namumuro ang kasama nitong si Richard Cruz.
Pero ang higit na nakakadismaya ayon sa mga sumusubaybay ay ang pagkuwestiyon kay Sen. Jinggoy na tila ‘yun lang daw ba ang alam nitong gawin, gayung mayroong mas maraming isyu ang bansa na dapat ay inilalabas niya ang kanyang dunong at tapang sa Senado.
Mapapa-"aguy" ka nga raw talaga na pinaglalaanan ng pondo at panahon ang mga ganitong usapin.
Ano na nga raw ba ang silbi ng mga korte natin na siyang higit na may karapatang gawin ang ganitong usapin?
Pati tuloy paglayas ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa sa gitna ng maraming ‘precautionary warning’ mula sa Senate hearing ay naikonek sa isyu ng mahihilig lang daw mag-grandstanding sa Senado and yet, parang natutulog naman daw sa pansitan?
Aguy na aguy!
Nag-iingay na raw sa pulitika…
MARCO AT CRISTINE, NAG-LIPS-TO-LIPS SA BICOL
HMMM… biglang naging very visible at may mga PDA (public display of affection) pa ngayong ganap sina Marco Gumabao at Cristine Reyes after na mapag-usapan ang diumano’y ‘breakup’ nila sa socmed (social media).
Aba, talagang proud pa sila sa pag-post ng mga moments nila at may pag-lips-to-lips pa nga sa isang event (sa Bicol nga raw ba ‘yun?) habang nasa stage sila.
Sa kumalat kasing balita, talagang nagpaparamdam na umano si Marco para sa darating na eleksiyon. May nagsasabing Kongreso ang tatakbuhan nito, habang mayroon namang nagsasabing bilang provincial board member daw muna.
Ang mga bashers naman ay todo ang pasaring na hindi naman daw “rater” o magdadala ng boto si Cristine etc. etc.
Pero mas naaliw kami sa mga komento ng pagkukumpara sa halikan nila on stage sa nag-viral na halikan nina Yassi Pressman at CamSur Gov. Luigi Villafuerte.
Ask tuloy ng mga Bicolano, “Sino'ng mas ‘Uragon’ kina Marco at Luigi?"
Comments