top of page
Search

“Two is better than one”... Nagkaisa ang PhilHealth at NBI upang labanan ang health insurance fraud

BULGAR

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 5, 2021





Hello, Bulgarians! Kamakailan ay gumawa ng kasunduan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang National Bureau of Investigation (NBI) upang mahuli ang mga aktibidad na ipinagbabawal tungkol sa potensiyal na panloloko sa National Health Insurance Program.


Ang bawat partido ay sumang-ayon sa mga ibinahaging responsibilidad upang tuklasin, hadlangan, at mag-usig sa pandarayang ginawa ng mga health care facilities and professionals, at maging ang mga nakikipagsabwatan nitong mga opisyal at empleyado.


Sa ilalim ng kasunduan, maaaring humiling ang PhilHealth ng tulong sa NBI para sa pag-iimbestiga kasama na ang pagsubaybay, pagsisiyasat, at pagkakulong ng mga lumalabag, kung kinakailangan. Dagdag dito, ang mga opisyal at empleyado ng PhilHealth ay maaaring tawagan bilang mga saksi para sa mga reklamo na isasampa ng Bureau. Ang lahat ng nauugnay na record, dokumento, at impormasyon ay dapat ibigay ng PhilHealth sa NBI upang makatulong na malutas ang mga kaso.


Sinabi ni Gierran. “Two are better than one, because they have a good return for their labor. If either of them falls down, one can help the other up.” Dagdag din niya na ang pagtutulungan ng PhilHealth at ng NBI ay magreresulta sa isang tiyak na aksiyon laban sa pandaraya na isinagawa sa mga pagtatanong sa Kongreso noong nakaraang taon.


Para sa kanyang bahagi, sinabi ni Distor na ang MOA, “…essentially outlines how the Bureau and PhilHealth will work together as a team in combating graft and corruption and in gaining back the trust and confidence of the people in government-subsidized health care system.”


Nangako siya na ang NBI ay “…respond swiftly and appropriately to a complaint, relevant tip-off, information, and/or lead provided by PhilHealth whether referred by PhilHealth head office or regional office including its legal offices, to determine possible violations.”

 

Para sa anuman impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page